Chapter 9

727 43 1
                                    

Siya na nga siguro, kasi kung titingnan sa itsura niya—hindi naman sa panglalait pero halos magkapareho lang kami. Ang pinagkaiba nga lang, mas matangos ang ilong niya at mayroon siyang malantik na pilik-mata. Kung wala nga lang siguro siyang mga acne sa mukha o kung papuputiin lang siya, ewan ko lang . . .

"Sorry," paghingi ko ng paumanhin nang dahil sa nasabi ko.

"Tss," sabi niya sabay iwas ng tingin.

Ang sungit niya naman. Nag-sorry na nga ako, eh.

"Feeling pogi," pabulong kong sabi sabay iwas na rin ng tingin.

"Miss, may sinasabi ka?" tanong niya. Narinig niya yata ako.

"H-Huh?" Lumingon ako pabalik sa kanya at nakita ko siyang nakatingin nang masama sa 'kin. Tumikhim ako. "Hindi ikaw. 'Yong nasa TV 'yong tinutukoy ko. 'Yon, oh." Ngumuso ako sa direksyon ng TV ng bus.

Hinawakan siya ng kaibigan niya sa balikat sabay sabi ng, "Pahiya ka do'n, par, ah?"

"Pwede ba, Florante? Manahimik ka nga diyan," ani Jepoy.

"Okay, okay. Chillax," tugon ng kaibigan niya.

Hindi ko na lang sila pinansin.

Matapos ang medyo matagal na byahe, bumaba na ako ng bus at naglakad na patungong tricycle station. Habang naglalakad ako ay napansin kong tila nakasunod sina Jepoy at ang kaibigan niyang Florante sa 'kin. Hindi ko naman ito binigyan ng malay. Baka nagkataon lang kasi. Ngunit nang makasakay na ako sa back ride ng tricycle, hindi ko naman in-expect na si Jepoy ang makakatabi ko.

Habang umaandar ang tricycle ay naiisip ko pa rin 'yong nangyari kanina. Medyo nakakailang tuloy. Dapat 'di na lang niya ako sinalo, eh. Dapat—

"Pst. . ." sitsit niya.

Napatigil ako mula sa pagkatulala at napatingin sa kanya. "A-Ako ba?"

"Oo, alangan namang si Manong Drayber," masungit niyang tugon.

'Yong totoo? Bakit ganito siya? May problema ba siya sa buhay?

"Ah, b-bakit?" tanong ko.

Ngumuso siya patungo sa direksyon ng kamay ko na nakahawak sa hawakan ng tricycle. Malamang sa malamang, may gusto siyang ipahiwatig.

"'Yong kamay ko?" paniniguro ko.

"Hindi, 'yong paa mo," tugon niya.

Napatawa ang tricycle driver nang dahil sa sinabi niya.

Ano bang problema nitong lalakeng 'to sa 'kin? Napakahilig mambara, eh.

"Ah, bakit?" muli kong naitanong.

"Nangangamoy kasi," sambit niya sabay iwas din agad ng tingin. Mukhang nahiya din siya na sinabi niya 'to sa 'kin. Pero ang mas nahiya talaga ay ako.

Shems. Nakalimutan ko palang magtawas kanina.

"Ah, sorry," may pagkahiya kong sabi sabay baba agad ng kamay ko. Napahawak na lang ako sa bandang pwetan ng motorsiklo ng tricycle dahil ako ang nakaupo sa dulo.

Grabe. Ayoko na. Halos bilang na bilang ko na ang bawat segundo na nakasakay ako sa tricycle. Gusto ko na ngang bumaba, eh, nang dahil sa hiya. Kailan pa ba titigil 'to? Itigil na natin 'to, Kuyang Driver!

Sobra-sobra na lang ang pasasalamat ko nang huminto na ang tricycle sa may babaan. Hay, sa wakas! Makakawala na rin ako mula sa matinding kahihiyan.

"Bayad po," si Jepoy sabay abot ng bayad niya sa driver.

"Sabay mo na 'ko, Jepoy," pakiusap naman ng kaibigan niya sa kanya pagkababa nito galing sa loob ng tricycle.

Isinuksok ko ang kamay ko sa loob ng bulsa ko para malaman kung may natitira pa ba akong barya. Ngunit nang makita ko kung ilan ang laman nito, dito na ako kinabahan. Shems. Kulang 'yong dala kong pera. Bakit ba nangyayari sa 'kin 'to? Bakit ba parang ang malas-malas ko ngayong araw na 'to?

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now