Chapter 13

637 37 1
                                    

Humikbi ako. Kahit alam kong nakahanda sila para saluin ako mula sa kahihiyan ay hindi ko pa rin magawang hindi malungkot. Inalis ko ang paningin ko sa kanila at kinalaunan ay muli akong tumakbo . . . palayo . . . palayo sa kanilang dalawa . . . palayo sa kanilang lahat . . .

Pag-uwi ko ng bahay, ang una kong ginawa ay nagkulong sa loob ng kwarto ko at nagmukmok. Hindi ko pa rin mapigilang humagulgol. Napakalalim ng iniisip ko: magmula sa kung bakit pa ba ako ipinanganak sa mundong ito hanggang sa bakit kailangan pa nila akong iboto.

"Ganda, okay ka lang ba?" tanong ni Papa nang marinig niyang tila umiiyak ako.

Sandali naman akong napatigil sa pag-iyak at pinilit na 'wag magpahalatang malungkot sa tono ng boses ko.

"Ah, o-opo," tangi kong naisagot kahit hindi naman talaga ako okay.

"Anak, buksan mo 'to. Mag-usap tayo. Umiiyak ka, eh. Bakit ka umiiyak, huh? May nambu-bully na naman ba sa 'yo sa bago mong school?" usisa niya.

"Wala, Pa. Okay lang po talaga ako," tugon ko.

Mas lalo lang akong naiyak kaya tinakpan ko ang bibig ko ng unan para walang makarinig sa 'kin.

Sumapit na ang gabi at hindi pa rin ako matigil sa pagmukmok. Dapat ko ba talagang iyakan 'yong nangyari kanina? Bakit ba napaka-big-deal no'n sa 'kin? Bakit ba hindi ko matanggap, eh, nakakatakot naman talaga ang mukha ko?

Buong magdamag, wala akong ibang ginawa kundi ang mag-self-pity. Kinalaunan, may muli na namang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pa, okay nga lang po ako," pilit kong pagpapaliwanag.

"Hoy, mama mo 'to!" pasigaw na sabi ni Mama. "'Wag ka ngang mag-inarte diyan dahil 'di bagay sa itsura mo! Buksan mo 'tong pinto!"

Tumigil na ako sa pag-iyak nang marinig ko ang boses ni Mama. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa tono ng pananalita niya?

Lumapit na ako sa pintuan at binuksan na ang pinto. "B-Bakit, Ma?"

"Ano, huh? Magdamag ka na lang bang magmumukmok diyan sa kwarto mo? May mga naghahanap sa 'yo, 'oy!" pagbibigay-alam niya.

"Naghahanap?" ulit ko. "S-Sino?"

"Isang fruity at isang pogi," ang sabi niya.

"Fruity?" Kumunot ang noo ko.

"Oo, fruity . . . fruitigyawat!" paglinaw niya. "Ba't 'di mo na lang kasi puntahan?"

Dali-dali akong tumungo pababa papunta sa gate habang pinupunasan ang mga mata ko at pisngi. Sinubukan kong ayusin ang magulo kong pagmumukha. Nang marating ko na ang gate ay agad ko itong binuksan at tiningnan kung sino ang mga naghahanap sa 'kin. At hindi nga ako nagkamali ng hula kung sino sila.

"Hi, Cess!" sabay nilang bati sa 'kin.

Sina Jepoy at Ziff nga! At may hawak-hawak pa silang mga bulaklak!

"Do you want to go out with me?" yaya ni Ziff habang iniaalay sa 'kin ang hawak-hawak niyang bouquet of flowers.

Hindi naman nagpahuli si Jepoy. "Flowers for you! Galing sementeryo. Kung papayag ka, tara, pahangin tayo?"

T-Teka, sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ko? Kaninong bulaklak ang tatanggapin ko? Hays, kailangan pa bang pag-isipan 'yan? Malamang hindi ko pwedeng tanggapin 'yong bulaklak ni Ziff kaya 'yong kay Jepoy na lang.

"Salamat, Jepoy," sambit ko matapos kunin ang mga bulaklak niyang galing sementeryo daw kuno. Ang corny niya rin, eh.

Napangiti na lamang si Ziff nang pilit habang marahang ibinababa ang kamay niyang may hawak ng bulaklak. Hindi naman kasi ako ang karapat-dapat na tumanggap no'n, eh, kundi si Elaine.

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now