Epilogue

1.2K 47 27
                                    

SEVEN YEARS LATER

Pang-ilang beses ko na ba 'to? Sa dinami-rami yata ng interview na hindi ko naipasa ay 'di ko na mabilang pa kung ilang beses na akong nagpapaulit-ulit na sumubok. Wala, eh. Maganda raw ang katawan pero palpak pagdating sa mukha. Aba, kasalanan ko bang ipinanganak akong ganito? Masama bang mangarap na maging flight attendant ang mga tulad kong pinagkaitan ng itsura?

"Cess!" sigaw na nagmumula sa labas ng bahay. "Ano, huh? Pagong lang? Pagong? Ba't ang tagal-tagal mo na namang kumilos diyan, huh? 'Wag mo sabihing nananalamin ka pa? Naku, tumigil-tigil ka nga diyan! Tanggapin mo na kasi ang katotohanan!"

Pitong taon na ang nakalilipas pero heto pa rin si Mama at ang tagos sa buto niyang panlalait sa 'kin. Sa araw-araw na paulit-ulit niya itong ginagawa ay 'di pa ba masasanay ang tenga ko? Syempre, immune na 'to!

"Nandyan na nga, eh!" tugon ko.

Kahit tila nahihirapan pa akong i-butones ang slacks ko dahil medyo masikip ito ay ibinigay ko na ang lahat ng makakaya ko para lang maisara ito. Pagkatapos, agad ko nang kinuha ang sling bag ko at nagmadaling lumabas ng kwarto.

Pagkatungo ko sa may sala sa baba ay sandali ko munang tiningnan ang cellphone ko dahil narinig kong parang tumunog ang Messenger app nito. At hindi nga ako nagkamali. Isa-isa palang nag-message ang mga kaibigan ko sa 'kin . . .

Lei: Girl, good luck! Galingan mo sa interview!

Liza: "Beh, 'wag kang susuko! Kaya mo 'yan! 'Pag natanggap ka, 'ta mo, lulutuan talaga kita ng sandamakmak na pagkain!"

Lyn: "Cess, may interview ka ngayon, 'di ba? God bless sa 'yo!"

Laura: "Friend, nandito lang ako para sa 'yo! Good luck daw sa interview mo sabi ni Baby Juliet at Daddy Florante. Yieh!"

Nang dahil sa mga nabasa ko ay hindi ko maiwasang ngumiti. Ito talagang mga kaibigan ko, napaka-supportive! Kita mo 'yan, ilang beses na akong nabigo pero naniniwala pa rin sila sa 'kin. Sila talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit 'di pa rin ako sumusuko. Actually, may kanya-kanya na silang mga buhay ngayon. Ngunit, kahit na gano'n pa man, nagkikita-kita pa rin kaming lima paminsan-minsan. Friendship forever, eh. Walang iwanan.

"Oh, buti dumating ka pa?" Bumungad sa 'kin ang tila galit na si Mama paglabas ko ng gate. Nang makita niya ako ay napaalis siya mula sa pagkakasandal sa poste ng gate namin at kinalas ang mga kamay mula sa pagkakakrus sa dibdib. "Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo, oh! Pabebe lang, Cess? Pabebe lang?"

Bahagya akong natawa. "Sorry na, Ma. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kasya sa 'kin 'yong slacks na binigay mo, eh. Masyado kasing masikip 'yong—"

"Aba, natural lang! Eh, dati ko pa 'yan sinusuot no'ng kabataan ko, eh. Ewan ko ba kung bakit 'di kasya sa 'yo 'yan! Masyado lang ba akong sexy o malapad lang talaga ang baywang mo?" pagtataka niya.

"Naku, Ganda, 'wag kang magpapaniwala diyan sa Mama mo," ani Papa na katabi lang din ni Mama. "Magkasing-sexy lang kayo!"

"Hoy, Lawrecio! Anong sabi mo?" sambit ni Mama. "At pinagpantay mo pa talaga kaming dalawa ng anak mo, huh?"

"Syempre, pareho kayong magaganda sa paningin ko, eh!" palusot naman ni Papa. "Halika nga rito, Mel . . . Kulang ka lang sa hug, eh!"

"Pwe!" pag-iinarte ni Mama pero nagpayakap din naman kay Papa.

"Ikaw rin, Cess!" sambit ni Papa kaya nakiyakap na rin ako sa kanilang dalawa.

Napatigil na lang kaming tatlo sa pagyayakapan nang makarinig kami ng busina ng isang kotse.

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now