Chapter 11

669 41 2
                                    

Patay tayo diyan! Mukhang naloko ata siya, ah? Pero ang laking tulong na rin na si Elaine ang nakuha niya at hindi ako. At least, makakaiwas pa ako sa gulo.

"Hala, beh! Malala na si Ziff!" bulyaw ni Liza. "Bakit niya tinawag na Cess si Elaine?"

"Girl, ano ka ba? Facial blind nga ang kuya mo, 'di ba?" sagot naman ni Lei.

"Oh, ano pang ginagawa n'yo rito, Sandra? Sundan n'yo na 'yong gaya-gaya n'yong kaibigan!" pagtaboy naman ni Lyn sa mga natirang kaibigan ni Elaine.

"Tss," si Sandra sabay irap. "Come on, girls."

At sinundan na nga ng mga gaya-gaya ang pinuno nilang pasimuno ng lahat.

Pagsapit ng hapon, dumating na rin ang bagay na pinakahihintay ng lahat, ang Halloween Party. Yey! Sana matapos na 'tong araw na 'to! Oo. Nakakainis kasi, eh. Bakit ba naman kasi kailangan pa 'tong gawing mandatory? Hindi naman lahat ng mga estudyante ay gustong maki-party. Tulad naming magkakaibigan—correction, ako lang pala.

"Tara, mga beh, sayaw tayo!" yaya ni Liza sa 'min.

Napatingin sa 'kin si Lyn. "Ano, Cess? Game?"

"Huh? Sayaw?" pag-aalangan ko.

"Oo. Ayaw mo ba?" tanong ni Lyn. "Bahala ka, minsan lang 'to. Ikaw rin."

Dumagdag pa itong si Laura sa pangungumbinse. "Dali na, Cess. Kaysa naman tumunganga lang tayo rito sa gilid ng gymnasium buong magdamag, 'di ba? Tsaka malay mo, baka makasayaw mo pa 'yong forevs mo?"

"Forevs?" ulit ko. "Hala. Sino 'yong tinutukoy mo?"

"Ikaw girl, ah? May hindi ka pa pala isini-share sa 'min," sambit ni Lei sabay siko nang mahina sa braso ko.

"Huh? Ano naman 'yon?" Napakamot ako sa ulo. "Si Ziff ba?"

Nang dahil sa sinabi ko, nagkatinginan silang apat.

"Hala. Wala naman kaming sinasabing si Ziff, ah?" ani Lyn.

"Eh, kung gano'n, sino nga?" tanong ko.

"Sino pa ba? Eh, 'di, si ano . . . si Jepoy!" nakakagulat na sabi ni Liza.

"H-Huh? Si Jepoy?" Napatawa ako nang bahagya.

Sabi na nga ba, eh. Tama ang hula ko. Binigyan nila ng malisya 'yong palaging sabay na pagpasok namin ni Jepoy ng school.

"Bakit? Hindi ba? Eh, palagi na nga kayong sabay pumasok, eh," pansin ni Lyn.

Loko talaga 'tong mga kaibigan ko, kung anu-ano ang naiisip.

"Malamang! Iisa lang 'yong lugar namin, eh," rason ko. "Bagong lipat lang kasi siya do'n sa harap namin."

"Oh, my goodness! Iisa lang 'yong lugar n'yo? Hala, beh, baka itinadhana talaga na magtagpo kayo?" walang tigil na banat ni Liza.

"Pag-ibig na ba this?" dagdag naman ni Laura.

Mula sa sayaw, napunta kay Jepoy ang usapan. Real quick.

"Yuck!" ang sabi ko. "Para kayong baliw!"

Pinagtawanan lang ako ng mga loko-loko kong kaibigan. Kung bakit ba kasi kailangan pa nilang bigyan ng malisya 'yong palagiang pagsabay namin ni Jepoy. Ang hirap talagang magpaliwanag sa kanila.

Mga ilang saglit pa, napatigil na lang sila sa pagtawa at para bang nakakita sila ng multo sa likuran ko. At laking gulat ko rin naman nang makita ko kung sino ang nasa likuran ko. Si Jepoy! Mukhang narinig ata niya 'yong usapan namin?

"Yuck?" ulit niya sa sinabi ko nang nakangiwi.

Para akong nilamon ng lupa nang dahil sa sobrang hiya. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now