Chapter 36

383 19 0
                                    

Matapos ang mga sinabi niya ay umalis na siya samantalang naiwan naman akong nakatulala sa hangin, nag-iisip . . . Siguro, 'di naging madali para sa kanya ang mabansagan bilang Princess of the Ugly Ones. Pa'no nga naman magiging madali, eh, habambuhay ka nang maaalala ng mga tao sa bansag na 'yon.

'Di ko alam kung bakit kailangan pang magkaroon ng ganitong klase ng ka-ek-ekan 'tong school na 'to. Una sa lahat, pinapalaki nito ang ulo ng mga estudyanteng may itsura at pinapababa naman ang kumpyansa sa sarili ng mga 'di nabiyayaan ng itsura. Kung mayro'n lang akong kakayahan na tanggalin 'tong ganitong klase ng sistema sa school na 'to, matagal ko nang ginawa. Eh, 'di sana, 'di na kailangan pang magbago ni Lei.

Nagbago ba talaga siya o nalaglag lang ang suot-suot niyang maskara? Sino ba naman ako para husgahan siya, eh, 'di ko pa naman alam ang totoong kwento niya? Pero kahit na ganito, hinihiling ko pa rin na sana'y muli siyang magbalik sa 'min. Ngunit, mukha atang malabo nang mangyari 'to. Sumama na siya kina Elaine, eh.

Dahil saktong breaktime na nang makalabas kami ng Guidance Office ay dumiretso na ako sa canteen. Pagkapunta ko rito, agad na bumungad sa 'kin ang mukha ng mga kaibigan kong parang pinagsakluban ng langit at lupa. 'Di tulad ng dati, mukhang nabura na ang mga masayahin nilang mukha.

"Oh, beh, ano, naayos na ba, huh?" tanong sa 'kin ni Liza.

Kasalukuyan akong nakatayo sa tabi ng table kung saan sila nagtitipun-tipon. Ni hindi ko man lang magawang umupo dahil sa dami ng iniisip ko.

Lumapit sa 'kin si Lyn. "Cess, naipagtanggol mo naman ba ang sarili mo?"

"Friend, ba't parang malungkot ka?" usisa rin ni Laura.

Hindi ko maiwasang bumuntong-hininga.

Bakit ganito? Napakahirap nang ngumiti. Habang tumatagal, parang mas lalo atang dumarami ang mga problema. Kailan pa ba matatapos 'to?

"Oh, Lei, nandyan ka lang pala!" tawag ni Lyn kay Lei na napadaan sa may likuran ko. "Halika rito! Kanina ka pa kaya namin hinahanap!"

"Oo nga, beh! Sa'n ka ba nagpunta?" pagtataka ni Liza. "Ang dami nang nangyayari dito, oh!"

"Friend, upo ka rito," alok naman ni Laura.

Kawawa naman 'tong mga kaibigan ko. Wala silang kaalam-alam sa tunay na nangyari. Wala man lang silang malay na hindi na kami ang gustong makasama ni Lei, kundi sina Elaine.

Lumingon ako kay Lei at nakita kong umirap siya sa 'kin. Laking gulat naman nina Lyn nang makita nilang lumapit sina Elaine kay Lei. Litong-lito sila sa nangyayari.

"Ano, Lei, tara?" yaya ni Elaine. Wala namang pag-aalinlangang sumama si Lei sa kanila. Naglakad na sila ngayon papunta sa kabilang parte ng canteen kung saan nagtitipon ang mga kabilang sa Gorgeous Ones.

"A-Anong nangyayari?" Nanlaki ang mga bilugang mata ni Liza. "B-Bakit siya pinaupo nina Elaine sa upuan ng Gorgeous Ones?"

"Friend, anong klaseng trip 'to?" malakas na tanong ni Laura kay Lei na ngayon ay nasa kabilang lamesa na, hindi sa amin.

Tulad ng ginawa sa 'kin ni Lei ay inirapan din niya si Laura.

"Hala siya!" Napatayo si Lyn. "Ano bang ginagawa niya?"

Yumuko ako sa sobrang lungkot. "Sumama na siya kina Elaine . . ."

Agad namang bumalik sa pagkakaupo si Lyn at nanlaki ang mga mata. "A-Ano?"

"Seryoso ka ba, beh?" Pati si Liza ay 'di rin makapaniwala.

"K-Kailan pa, friend?" pagtataka ni Laura. "Tsaka bakit?"

Your Face (Your Series #1)Where stories live. Discover now