Chapter 4

1.1K 55 11
                                    

Napatingin silang apat sa 'kin nang dahil sa sinabi ko.

Kumurap-kurap ako. "Oh, bakit?"

"Ay, Cess, 'di mo ba alam?" tanong ni Liza sa 'kin.

"Ano ka ba, Liza? Malamang 'di niya alam kasi transferee nga siya, 'di ba?" sambit naman ni Lyn.

Naguluhan ako sa mga pinagsasabi nila. "Ang alin?"

"Na bulag nga si Ziff," dugtong ni Liza.

Bulag? Ano bang pinagsasabi nila? Eh, nakakakita naman si Ziff, ah?

"Pa'nong bulag?" usisa ko. "Walang makita? Gano'n?"

Hinawakan ako ni Lei sa balikat. "Girl, hindi kasi bulag as in walang makita," saad niya. "Facial blind si Ziff."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Facial blind?"

Ibig sabihin, hindi niya nakikita ang itsura ng isang tao? Malamang. Facial blind nga, eh. P-Pero . . .

"Pa'no 'yon?" tanong ko pa.

Nagpaliwanag si Lyn with matching hand gestures. "Gan'to lang kasimple 'yan, Cess. Kunyare matagal na kayong magkakilala ni Ziff—"

"Oh, tapos?" singit ko.

"Wait lang kasi. 'Di pa nga tapos, eh," sambit niya.

"Sige, 'tuloy mo."

"Eto na nga. Kunyare, 'di ba, matagal na kayong magkakilala. Tapos, 'pag nagkasalubong kayo, bigla ka na lang niyang hindi makikilala. Kasi nga, hindi niya makita ang itsura mo."

Wait. Ano raw? Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.

"'Di mo ba gets?" Napakamot siya sa ulo.

Oo, hindi ko talaga gets. Ang gulo, eh.

Umakbay sa 'kin si Laura. "Ako na nga lang ang mag-e-explain sa 'yo, friend," alok niya. "Ganito, kunyare panget ka—"

"Kunyare lang?" tanong ko.

"'Wag na kasing kunyare, eh, totoo naman," sabat naman ni Lei.

Aray ko po. Ang sakit no'n, ah?

Humagikgik si Liza. "Oh, sige. Panget ka na, Cess."

Napakamot ako sa ulo. "Oo na nga. Oh, tapos?"

Tuloy ni Laura, "Tapos, dahil facial blind nga si Ziff, eh, 'di hindi niya alam na panget ka."

Huh?

"Ah, okay," tangi kong sambit kahit medyo hindi pa rin malinaw sa 'kin ang lahat.

Buong buhay ko, ngayon pa lang ako nakarinig ng isang lalakeng facial blind. Na-curious tuloy ako. Pa'no kaya ako nakikita ni Ziff kung facial blind siya? Panget pa rin ba ako sa paningin niya? Kung oo, gaano kapanget? From the rate of 1 to 10, ano? Zero?

"Andyan na si Ma'am!" sigaw ng isa naming kaklase.

Bigla na lang nagsitakbuhan ang mga estudyanteng nakatambay sa labas. Gayundin naman, nagsilabasan na ang mga taga-ibang section na nasa loob ng classroom namin.

"Halika na, Cess. Baka mapagalitan pa tayo," yaya ni Lyn sa 'kin.

Pumasok na kaming lima sa loob.

Tahimik na ang lahat na para bang wala lang nangyari bago pa man makapasok sa loob ang teacher namin. Kaya naman, nagsimula nang magturo si Ma'am sa Araling Panlipunan.

"Okay, open your books to page 91!" bungad niyang sabi.

First subject na first subject pa lang ay inaantok na ang buong klase. Araling Panlipunan ba naman kasi, eh? Walang katapusang discussion ng kasaysayan ng mga—ewan. Hindi ko rin naman maintindihan, eh. Bakit ba kasi kailangan pang pag-aralan 'yang mga imperyo-imperyo achuchu na 'yan?

Your Face (Your Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora