Chapter 6

905 64 10
                                    

Natawa na lang ako sa sinabi ni Lei. Sa lahat kasi ng bagay sa mundo, 'yon na ata ang pinaka-imposibleng mangyari.

"Ano ka ba, Lei? Okay ka lang ba? Ba't naman ako magugustuhan ni Ziff?" Napakamot ako sa ulo.

Ngumiti si Lei. "Bakit naman hindi?"

Muli kong ibinalik kay Ziff ang atensyon ko. Gusto ko sana siyang lapitan kaso mukhang hindi na kailangan.

"Ziff, are you alright?" may halong pag-aalalang tanong ni Elaine kay Ziff sabay hawak sa pisngi nito.

Hinawi naman ni Ziff ang kamay ni Elaine at sinabing, "Don't ask me if I'm okay. Can't you see that I'm not?"

Nabakas ko sa mukha ni Elaine ang hiyang natamo niya dulot ng pagtaboy sa kanya ni Ziff. Pero kahit na gano'n pa man ang nangyari, pinilit niya pa ring ngumiti.

Nagsimula nang maglakad palayo si Ziff ngunit bago siya tuluyang makaalis ay saglit muna siyang napatigil sa paglalakad at napatingin sa 'kin. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Siya rin naman, hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa. Ano kaya ang gusto niyang iparating?

Mga ilang minuto pa ang nakalipas bago tuluyang makarating ng gym si Lyn. Sa pagkakataong ito ay kasama niya na si Sir Mike.

"Nasaan na sila?" tanong ni Sir. Medyo hinihingal pa nga siya.

"Naku, Sir. Huli na po kayo sa balita! Tapos na po ang gulo," sambit ng isa naming kaklase.

Napabuntong-hininga si Sir. "Parang saglit lang nang mawala ako, ah? Ano ba kasi ang nangyari?" May bahid ng pag-aalala ang mukha niya.

At ipinaliwanag na nga ng mga kaklase ko kay Sir ang tungkol sa nangyari kanina. Naikwento rin nila na nagtamo ng mga galos ang mukha ni Ziff. Dahil dito, mas lalo lang nadagdagan ang mga kulubot sa noo ni Sir.

"Hala! Bakit 'di niyo man lang sila pinigilan? Bakit hinayaan niyong magalusan ang mukha ni Ziff?" Sinapo niya ang noo niya. "Patay ako nito kay Madam."

"Madam? Sinong Madam?" pagtataka ko.

"Si Mrs. Tajero," sagot ni Laura. "'Yong asawa ng may-ari ng school na 'to. In short, mader ni Ziff. Ganern."

"Eh, bakit naman parang takot na takot si Sir sa nangyari?" tanong ko.

"Beh, malalaman mo rin bukas," ani Liza.

Nang matapos na ang PE subject namin ay bumalik na kaming lahat sa classroom. Ang sumunod naming subject ay Science. At sa pagkakataong ito, mukhang hindi ata pumasok si Ziff. Nasa clinic siguro siya ngayon. Sa bagay, kailangan niya nga namang ipagamot 'yong mga sugat niya sa mukha.

Pagsapit ng uwian, pinauna ko nang umuwi sina Lyn dahil may binabalak pa akong gawin sa school. Gusto ko sanang malaman ang kasalukuyang kalagayan ni Ziff kaya agad akong pumunta ng clinic. Pero pagkarating ko rito . . .

"Si Mr. Ziff Tajero? Wala siya rito. Hindi naman siya pumunta rito, ah? Bakit? May nangyari ba sa kanya?" pagtataka rin ng nurse nang tanungin ko siya tungkol kay Ziff.

So, hindi siya pumunta rito sa clinic? Kung gano'n, saan siya pumunta? Nag-aalala na ako sa kanya. Hindi pa rin siguro nagagamot ang mga sugat niya sa mukha magpahanggang ngayon. Umuwi na kaya siya?

Saglit muna akong tumungo sa tapat ng school nang maalala kong ngayon nga pala ang nakatakdang oras para sunduin ako ni Papa. Nang makita ko siya, ipinagpaalam ko muna sa kanya na kailangan ko pang magtagal nang kaunti sa school dahil may kailangan pa akong gawin. At pumayag naman siya. Syempre, malakas ako sa kanya, eh. Basta't 'wag lang daw akong magpapagabi. Pero kampante naman 'yon. Sino ba naman ang magtatangkang may gawing masama sa 'kin, 'di ba, eh, hindi naman ako maganda?

Your Face (Your Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt