Chapter 16

650 28 13
                                    

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga sinabi niya. Una sa lahat, hindi naman siya ang pinagseselos namin ni Jepoy. Ikalawa, wala namang dahilan para magselos siya. At ikatlo, kung hindi lang talaga ako nag-iisip, malamang bumigay na ako sa kanya!

"Cess!" bigkas ni Jepoy sa pangalan ko habang lumalapit siya sa 'ming dalawa ni Ziff.

Napalingon din naman kaming dalawa ni Ziff sa kanya.

"May problema ba?" dagdag pa niya nang tuluyan na siyang makalapit sa 'min.

Tinanggal na ni Ziff ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Everything is fine," aniya.

"Gano'n ba? Nagulat kasi ako, bigla mo na lang hinila si Cess."

"Sorry?" ani Ziff. "Do I need you permission to do that?"

Hays, hindi ko alam kung anong nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Bakit gano'n? Bakit mukhang hindi sila magkasundo? O baka sadyang ayaw lang talaga ni Ziff kay Jepoy? Bakit naman?

"Wala naman akong sinabing gano'n, ah?" sambit naman ni Jepoy.

Pa'no ba ako sisingit sa kanilang dalawa? Ramdam na ramdam ko na kasi ang tensyon sa pagitan nila, eh.

"Ah, anong oras na ba?" naitanong ko para man lang maiba ang topic.

Tumingin si Ziff sa relo niya. "It's 8:45 already."

"Hala, shems!" pagkagulat ko.

"Oh, baket?" tanong ni Jepoy.

"Gabi na!" naibulalas ko. "Kailangan ko nang umuwi!"

"Halika, hatid na kita pauwi," anyaya ni Jepoy.

"No," pagtutol naman ni Ziff, "I'll be the one to send her home."

Heto na naman silang dalawa . . .

"Ah, hindi na, Ziff. Kaming dalawa na lang ni Jepoy. Sabay naman talaga kaming dalawa umuwi, eh, kasi magkapitbahay lang kami," paliwanag ko naman.

Tumingin sa 'kin si Ziff. "Is that so?"

"Oo," tipid kong tugon.

Lumapit na ako kay Jepoy para sumama na sa kanya paalis. Mga ilang sandali pa, hindi pa man kami tuluyang nakakalayo mula kay Ziff ay bigla na lang itong may sinabi.

"Um, wait!" aniya.

Huminto kami sandali ni Jepoy at lumingon pabalik sa kanya.

"How about I send both of you home?" tuloy niya.

"Huh?" pagtataka ko.

"At pa'no mo naman gagawin 'yon?" usisa naman ni Jepoy.

"Well . . . um, using my car?" tugon ni Ziff.

Oh, 'di ba? Parang adik lang. Kanina sabi niya nasira 'yong kotse niya, tapos ngayon . . .

"Hindi ba't sira 'yong kotse mo?" suspetsa ni Jepoy.

"I was just making an excuse," tapat na sagot ni Ziff.

"Ah, Ziff, 'wag mo na kaming ihatid. 'Di na kailangan," pagtanggi ko naman.

Iniwan namin si Ziff matapos kong mapagpasyahang 'wag na lang tanggapin ang alok niya.

Paglabas namin ng mall, napahinto kami saglit sa may sakayan. Napakapkap din ako sa bulsa ko para malaman kung may natitira pa ba akong barya, pero . . .

"Patay!" naibulalas ko.

"Oh, baket?" tanong ni Jepoy sa 'kin.

Sa ikalawang pagkakataon ay muli kong sinuri ang loob ng bulsa ko pero wala talaga akong makapkap ni kahit piso man lang. Kung kailan talaga kailangan, palagi akong nawawalan ng pamasahe.

Your Face (Your Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon