Cursed Guardian(Prologue)

13.5K 357 8
                                    

--- Cursed Guardian ---

TUMUNTONG  sa 16 taon si Kim habang ang ibinubuhay sa sarili lang ay ang pagnanakaw ng mga iba't ibang gamit pati narin ng pera. Nakatira siya sa lugar na pinangangalanang Lurca Division kung saan ang mapapanganib na lugar dahil napakaraming pakalat-kalat na mga addict, drinkers, and other kinds of prodigal people.


Prologue


HUMIHINGAL na ako habang tumatakbo, palusot lusot ako sa iba't ibang daang kabisado ko dito sa eskinita.

Bitbit ko habang tumatakbo ang isang pouch na nakuha ko sa isang babaeng mataray kanina.

Naalala ko naman muli kung paano ko nakuha itong pouch nya.

"Hoy! Tanda tumabi ka nga sa dadaanan ko!" mataray na sigaw ng babae galing lang sa pagbaba ng kotse nya.

Kahit hindi pa nakatabi ang matandang lalaki at dahil mahina itong maglakad ay inunahan na nya.

Agad nyang tinulak ito at halos masubsob na ito sa lupa sa lakas ng kanyang pagtulak.

"Ayan kasi! nagpafashion show pa!" pero di yun ang nakaagaw sa pansin ko. Nakita kong bitbit nya ang kanyang pouch.

Then I make my move. Lumapit ako dun sa matandang lalaki at tinulungan itong tumayo.

"M-maraming s-salamat hija," mahinang sambit ng matanda pero nginitian ko lang ito.

"What do you think your doing?" nakapameywang pa ang babaeng ito.

"Tinulungan ang lolo." sarcastic kong sagot.

Tinaasan nya naman ako ng kilay bago pa nya ako sigawan ay hinablot ko na ang pouch nya at kita ko ang panlalaki ng mga mata nya sa aking ginawa bago ako tumakbo.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt