Last Chapter: The Rise of the Ninetails

2.3K 78 10
                                    

Last Chapter:
The Rise of the Ninetails

SUMIGAW ako ng sumigaw na sinasabayan ng malakas na pag ihip ng hangin, wala katapusang pag ulan ng nyebe, at walang katapusang pakikipaglaban ng lahat.

Sa mga sandaling iyon ay nagsimulang manginig ang aking mga kamay. May mga imahe na naman ang sumagi bigla sa aking isipan---pero kakaiba.

Nararamdaman ko narin ang tila enerhiyang gumigising sa aking kalooban, dahil sa mga imaheng aking nakikita.

Walang patawad parin ang pagsibagsakan ng aking mga luha animo'y hindi na ito titigil hanggang kailanman.

Pero ang mga imaheng aking nakikita ay mga alaalang naging pamilyar na sa akin.

Ang imahe kung saan nanggaling si Feros. Isang babae ang may hawak na sanggol na duguan ang damit. Tila kagagaling lamang niya sa panganganak, nasa bandang kagubatan sila. Hinahabol nito ang kaniyang hininga. Hinalikan muna niya ang sanggol at dahan-dahang iniabot ito kay Feros.

"Feros protect her from any risk of her life," ito ang alaala ni Feros na minsan ko nang nasilip nun kung 'di ako nagkamali.

Umalulong ang soro sa sinabi ng babae at sa ilang sandali lamang ay kinuha niya ang sanggol na balut-na-balot sa punit-punit na tela ng isang damit, gamit ang kaniyang bibig.

"Nandito na sila itakbo mo na si Eleiah!" pagmamakaawa niyang sigaw kay Feros.

"Tumakbo na kayo Aiustha!" isang humihingal na babae ang lumabas galing sa liblib na banda ng kagubatan. Mayroong saksak ito sa tagiliran---at nakita kong kalahati ng katawan nito ay katawan ng isang kabayo. She's Elvian Centaur! Then who is she?

Halos mabaliw na ako sa mga nakikita kong mga alaala. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. 'Diko alam kung ano mas angat na emosyon na aking nararamdaman.

"P--pero paano ka?" 'di mapigilan ang mga luhang nagsilabasan galing sa mga mata ng aking ina, "Pareho tayong may anak... Paano ang anak mo?"

Umiling lamang ang babaeng Elvian Centaur, "Maiintindihan niya kapag makikita niya ang pangyayaring ito." walang humpay ang pagpatak ng kanilang mga luha. "May koneksyon ang anak mo't anak ko, Aiustha. May koneksyon si Leilah at si Eleiah.."


Kung g--ganun siya si Delilah? Ang nawawalang ina ni Leilah?

'Diko mapigilang mas masaktan sa aking mga nakikita. Maraming nagsakripisyo sa akin---para ako mabuhay---para mailigtas.

"Kung 'di ko matutulungan ang anak mo, mamatay rin siya sa kamay ng kasamaan. Kailangan nila ang kooperasyon ng anak mo. Si Eleiah."

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now