Chapter 51: Awakened Wings

1.8K 77 10
                                    

Chapter 51: Awakened Wings

'DI AKO nakagalaw nang makita ko sa aking harapan mismo ang isa sa mga Dark General ni Zeraffina.

Ngumisi ito sa akin nang mapansin nito ang aking reaksiyon. Kinagat ko ang aking ibabang labi at ikinimkim ko ang aking kamao. Sa 'di malamang dahilan ay sunud-sunod na bumagsak ang aking mga luha na 'di matukoy kung ano'ng dahilan.

Mas lalo pang lumapad ang kaniyang ngisi nang panoorin niya ang kataka-takang nangyayari sa akin at ang kaniyang sunod na sinabi ang nakapagpalinaw sa aking isipan.

"Nagustuhan mo ba ang nangyayari sa'yo?"

Tila nawalan ako ng boses sa sinabi niya.

This man is-----an emotional holder! Nagagamit niya ang emosyonal na tao para magapi ito ng ganun kadali, kagaya ko.

Sunod-sunod ring pumasok sa aking isipan ang malulungkot na mga alaala sa aking nakaraan.

"Itay! Hwag niyo po kong iwan!!"

Mas napaiyak ako sa mga bagay na sunud-sunod na nagpakita sa akin.

Tinapik-tapik ko ang pisngi ni lolo Carlo. Nagbabakasakaling didilat bigla ang kaniyang mga nakapikit na mga mata. "Hwag niyo po akong iwan!!"

Kasabay ng impit kong sigaw gamit ang maliit kong boses ay dumagundong ang kalangitan. Kumidlat at nagsibagsakan ang malalaking butil ng tubig galing sa kalangitan na siyang bumasa sa aking damit.

Humagulhol ako lalo sa pag iyak habang umiiling. Naninikip ang aking dibdib na halos 'diko na magawang huminga.

Humalo sa tubig ng ulan na nasa kalsada ang dugo ng aking itay.

'Di mawala sa aking isipan kung ano ang hitsura niya matapos niyang ibinuga ang panghuli niyang hininga. May crack ang kanyang noo na mayroon pang mga bahid ng dugo. Maraming gasgas ang kanyang mga braso ganun rin ang kanyang mukha.

Walang tigil sa pagbagsak ang aking mga luha ganun rin ang boses kong walang tigil sa pagsigaw na umaalingawngaw sa may kalsada sa ilalim ng napakalakas na ulan.

Walang masyadong tao sa bandang kalsadang 'yun kaya 'di agad nadala sa hospital si lolo Carlo.

Nanginginig ako sa takot nang naidilat ko ang aking mga mata na 'di parin tumigil ang paglabas ng mga luha. Hinahabol ko ang aking hininga dahil sa masasamang alaalang 'yun.

Bigla akong niyakap ni Patricia nang makita niya ang wala sa sarili kong hitsura.

"She's vulnerable in this enemy!"

Nanlaki ang aking mga mata nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses ni Hiro.

Nakipaglabanan na siya sa Dark General na kaharap ko kanina. Pulampula na ang kaniyang mga mata habang galit na galit na inatake ang kalaban gamit ang bampira niyang bilis. Kaya pala nagising ako galing sa masamang alalang 'yun dahil na distract na niya pala ang pinaggagawa nito sa akin.

Lalapitan ko sana siya para tulungan ngunit hinatak na ako ni Patricia paalis ron. "Hali kana dito!"

Seryosong sambit ni Patricia. 'Di na ako pumalag pa nang tumakbo na kami. Sinalubong namin ang ilang orcs na umaatake. Ngunit 'di ako pinayagan ni Patricia na labanan ang mga ito. 

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now