Chapter 14: Hellish Extermination

3.1K 124 3
                                    





'We knew that, it's hard to escape from the power of illusion. But the power of conscience will lead you to the right path'





Chapter 14: Hellish Extermination

~Third Person's
Points of View~~

Sa paglalakad nina Kim at Salome nakaramdam na si Kim ng panganib sa loob ng kagubatan. Tinatahak na nila ngayon ang daan patungo sa bilig ng mga kababaihan ngunit sadyang matalas talaga ang pakiramdam ni Kim at pandinig. Rinig na rinig nya sa may kalayuan ang mahihinang yabag ng mga paa kung kaya't di nya mapigilang mapahinto na sya namang ipinagtataka ng kanyang kasama.

"Ayos lang po ba kayo, Binibini?"

Parang may mali talagang nangyayari dito.

Nanatiling tahimik si Kim kung kaya't tinanong sya muli ni Salome.

"Binibini.. Ayos lang po ba kayo?" Pati si Salome ay nakaramdam ng takot na syang di maipapaliwanag kung ano ang dahilan. Mas lalo syang kinabahan nang biglang tumitig ng diretso sa kanyang mga mata si Kim.

"B-bakit...binibini? May problema b-ba? Binibini baka binibiro mo naman ako.."

"Kailangan nating magmamadali!" Sabay hatak sa braso ni Salome at mas binilisan pa ni Salome ang kanyang hakbang kaya kahit di alam ni Salome kung ano ang nangyayari sa kanyang kasama ay binilisan narin nya ang kanyang hakbang sa pagtakbo para di sya makaladkad ni Kim.

Huminto sila nang makaramdam sila ng pagod.

"Binibini..ano po ba ang nangyayari?" Litong lito na si Salome kung kaya't hinarap sya ni Kim at kinausap.

"Mahirap paniwalaan ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana para gawin ito sa inyong tribo.." Biglang tumitig si Kim sa ibang direksyon kaya mas lalong naguluhan si Salome.

"Binibini..diko po makuha ang gusto nyong iparating.."

"Kapag ba sasabihin kong mali ang Aboc na tinitingala nyong lahat.. Maniniwala ka ba?" Muling lumipat ang titig ni Kim sa mga mata ni Salome kung kaya't napaseryoso narin sya habang nakikipagtitigan kay Kim.

"A-anong ibig nyong sabihin..? Gusto ko pong diretsahin nyo'ko!" Dahan-dahang hinawakan ni Kim ang balikat ni Salome at ngayon mas lalo na syang sumeryoso.

"Patay na si Aboc!" Tiningnan lamang ni Salome si Kim tila para sa kanya malaking biro lamang ito ngunit may parte sa kanyang pagkatao na gustong maniwala sa sinasabi sa kanyang kaharap.

"Mahirap naman talaga paniwalaan diba... sapagkat ayaw kitang piliting maniwala sa akin" bumitaw na si Kim sa balikat ni Salome at muli na namang inilipat nya ang kanyang tingin.

"P-paano nyo po ba nasabi 'yan?"

"May matibay akong ebidensya na alam kong gugulat ito sa'yo" humarap na ulit si Kim kay Salome. Napatitig nalamang si Salome sa isang palad ni Kim na ngayon ay umiilaw na sa liwanag.

"A-ano pong ginagawa nyo?" Tumingin si Salome sa mga mata ni Kim at muli nya itong ibinalik sa nakakasilaw na palad ni Kim.

"Ang punyal ni Aboc ang kikitil sa buhay ng masamang budhi!" Sabay lumutang sa kanyang nakakasilaw na palad ang punyal ni Aboc na syang ikinatatahimik ni Salome.

"K--kung ganun..tama nga! Tama si diwatang Utara..at tama rin po kayo, binibini. Minsan ng napansin ng diwata na wala na sa suot ni Aboc ang kanyang mahiwagang punyal na syang sumisimbolo sa kanyang pagiging pinuno." Halos maluha-luha si Salome habang isinasalaysay ito sa babaeng kaharap.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now