Chapter 28: Fairytales

2K 73 0
                                    

Chapter 28: Fairytales

"HINDI mo parin sinasagot ang tanong ko. Bakit mo ba kasi 'yun ginawa?" Ilang araw na ako na nakitira sa kanila at kahit gusto ko ng umalis ay 'di sila pumapayag. Lalong-lalo na nang malaman nya ang totoo. Pero dahil masama daw tanggihan ang grasya ay no choice ako.

That day I thought na sisigawan nya ako for not telling the truth. Ngunit isang mainit na yakap lamang ang aking natanggap mula sa kanya. 'I understand your situation' ang naging sagot nya at nang makarating na kami sa kanila ay pinakwento nya sa'kin ang pagkatao ko dito sa Lurca Divison. Wala narin syang ibang katanungan dahil siguro 'di sya kagaya ng ibang tao na nanghihimasok sa buhay ng iba.

Ang ikinaniinis ko lang ay ang kung bakit ayaw nya 'kong sagutin tungkol sa pagpigil nya sa akin sa pagtakbo nung oras na 'yun. He hugged me that time and said 'D-don't move.' Ang weird nya.

Nang tumingin ako sa kanyang direksyon ay dahan-dahan nyang hinubad ang kanyang pang itaas. Napabuga ako ng hangin saka napatingin nalamang ako sa kaharap kong mesa na may nakapatong na juice at pan cakes.

Narinig ko nalang na nag dive na sya sa may pool. It's Saturday kaya wala silang pasok. Ang hirap rin kaya nung mga huling araw na ako lang ang naiwan dito. 'Diko alam kung bakit ganun nalang sila makapagbigay ng tiwala sa'kin besides stranger pa ako sa kanila. I don't have any idea. Sobrang nakakapagtataka 'diba?

"Ate Kim..alam ko 'yan!" Nakangiting bungad ni Abigail na ngayon ay naka one piece habang may dalang tray na may lamang mga brownies. Napasulyap nalamang ako kay Eric na lumalangoy sa malawak nilang pool.

"Eh, ano ba 'yun?" Tanong ko kaagad kay Abigail nang malapag na nya sa mesa ang dala nyang brownies. Umupo muna sya bago sumagot. Napangiti pa sya nang masulyapan nya ang paglalangoy ng pinsan.

"Kasi..may mga babaeng sumusunod sa kanya that time na mukhang stalker nya yata.." She chuckled.

"Kilala mo ba?" I asked. Mukhang 'di pa sya kayang palitan ni Eric sa kanyang puso. I like to hear that.

Napailing lamang si Abigail saka kumuha ng brownies.
"Nope..besides wala naman akong balak kilalanin ang mga 'yun." She chuckled again. Mukhang sa pagkakataong ito ay makikita ko ang mature side ni Abigail.

Napansin ko nalamang na napapangiti sya kahit wala sa sarili. Behind that smile nararamdaman ko kung ano ang meron.

"What's with the smile?" Nakangiti kong sabi dahilan para mapa huh? nalamang sya. Umiling nalamang ako.
"Nevermind.."

"Sa tingin mo..Abigail may napupusuan ba ang kuya Eric mo?" Sumulyap ako kay Eric na masyadong nag eenjoy sa kakalangoy sa pool.

"B-bakit mo naitanong, ate Kim?" Out of nowhere ay napalingon muli ako kay Abigail. Mukhang ibinaon nila sa limot ang pangyayaring iyon.

"Wala lang naisip ko lang. He's in a college right? Tiyak na may girlfriend na dapat sya?" Patay malisya kong sabi. Napailing naman sya bilang sagot.

"Ahmm..actually someone already owned his heart but.." Napatitig ako sa mga mata ni Abigail na halatang nagdadalawang isip sa nais sasabihin.
"I'm not in the position to tell it.." She looked away.

Ngumiti nalamang ako sa kanya.
"I understand..and also I'm not in the position to ask that. Well, I'm just curious." Sabay sumimsim ako ng juice.
"Sorry.."

Dahan-dahan ko namang nakita ang pag iiba ng mood sa mukha ni Abigail. From a mature one to a hyper one.

"Bakit ate Kim, may napusuan kana ba?" Sa tanong nyang 'yun tuluyan akong 'di nakaimik. Akala ko 'diko na 'yun maiisip pang muli. Akala ko naibaon na 'yun ng limot ng mga alaala ko---'yun pala...akala ko lang pala. Hanggang akala ko lang pala ang lahat.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now