Chapter 4: Ultron Master

6.6K 191 3
                                    

Kim's PoV

UNTI-UNTI kong idinilat ang aking mga mata dahil nakaramdam ako ng matinding uhaw.

Sobrang labo ng aking paningin dumodoble ang mga bagay na aking nakikita hanggang sa nakarecover ang aking mga mata.

Nasaan ba ako?

Nilibot ko agad ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang napakalawak na kwarto na kulay puti ang theme na sobrang lawak.

Nanlaki agad ang aking mga mata.

Paano ako napunta dito? Wala akong maalala na may pinuntahan akong ganitong klaseng lugar?

Bumangon agad ako at awtomatikong sumagi sa isip ko ang imahe ni Feros.

N-nasaan si Feros?

Agad akong tumayo saka ko lang napansin na iba na ang aking damit.

Sino naman ang nagbihis sa akin?

Napakunot ang aking noo dahil 'di ito ang suot ko bago ako nahimatay!

Mabilis kong binuksan ang pinto at sobrang nanlaki ang aking mga mata dahil ngayon ko lang napagtanto na nasa isang kastilyo ako.

Paano naman ako dito makakalabas?! Ugh!

Dahil sa inis ay ginulo ko ang aking buhok pero agad akong napahinto nang makarinig ako ng halakhak ng isang lalaki.

Tiningnan ko agad kung saan nangaling ito. And I saw this man leaning his back on the wall. Nakapamulsa pa ang mga kamay niya sa kanyang pantalon saka nakangising nakatingin sa aking direksiyon.

"Hey! am I that handsome?" he said with his smirk.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Wow! may bagyo na ba?

"Hahaha!" I sarcastically laugh.

"You're right your too handsome!  napakagwapong ihampas sa pader!" Gigil na gigil kong sambit.

"Ang gwapo ko talaga!" mayabang niyang turan pero bakit ganun? Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang hingnanakit at pangungulila niya, "Pati tuloy pader nakapandarapa na sa akin!"

Pumikit na lamang ako kahit na aasar ako sa presensiya niya, pero 'diko nakayanan ang aking bibig.

"Excuse me! ha! bakit ang yabang mo? di ka naman gwapo tingnan mo nga 'yang mukha mo mukha kang kulangot!" turo ko pa sa mukha nya. Ang sarap niyang hampasin!

Nagulat naman ako nang naglakad sya papalapit sa akin.

Pero 'di ako nagpatinag sa pananakot nya kung sakaling may masama siyang balak. Ngunit nang makita ko ang masama niyang ngisi ay kinilabutan ako.

Aakmang tatakbo ako pero nagulat ako nang mayroong nilalang na lumitaw bigla sa dadaanan ko.

A Saber-toothed Tiger?

Napasinghap ako ng hangin sa kaba.

Liningon ko naman sya dahil sa galit pero muntik na akong mapaupo dahil muntik na nya akong mahalikan dahil isang dangkal nalang pala ang lapit ng kanyang mukha sa akin nang ako'y lumingon.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now