Chapter 36: Battle of the Voices

1.8K 89 24
                                    

Chapter 36: Battle of the Voices

PAGTINGIN ko sa mga kasamahan naming lalaki ay napatakip ako ng bibig dahil bigla silang natulala at maya-maya lang naglakad na sila ng wala sa sarili.

"No!" Sigaw ko at agad hinatak sina Zero at Hiro. Pero bumagsak lamang ako nang tabigin nila ako. "Shit!"

"It's no use!" Inilahad ni Eleanor ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito at tuluyan na akong tumayo. "Tayo lang ang makakaresist sa nakakahipnotismo nilang boses, we three is under in my spell dahil siguro sa koneksyon nating tatlo." Ani pa nya.

"Anong gagawin natin hahayaan ba nating mapasailalim sina Hiro sa kapangyarihan ng mga Sirena?" Kinakabahan kong sabi.

"We'll fight the Sirens.." Seryosong sagot ni Hermoine. Muli akong napatingin kena Hiro na naglalakad na wala sa sarili, nakatulala lang ito na wala sa sarili. Kinakabahan ako sa posibleng gawin ng mga Sirena sa kanila.

"Sundan natin sila!" Tumango naman sila sa aking sinabi. Agad kaming kumilos. Naniniwala akong walang masamang mangyayari sa aming lahat.

Nagtatago kami sa mga punong aming nadadaanan. 'Di parin tumigil ang mga babaeng kumakanta sa may 'di kalayuan sa amin. 'Di rin tumigil sa paglalakad sina Hiro at Zero. Siguradong nasa kamay na ng mga Sirena si Zeref. Ang tanong, ano naman ang gagawin ng mga Sirena sa kanila? That's my big question.

Palinaw ng palinaw sa aming taenga ang mga boses nila habang kami naman ay papalapit ng papalapit sa kanila. Sumenyas sa amin ni Eleanor si Hermoine na sya ang uuna at kami naman ay magtatago muna. Mas napadali naman ang aming plano dahil konektado na ang aming isipan.

Nakatago na kami ni Eleanor sa magkaharap na mga puno na may 'di gaano kalayong distansya. Tumango kami sa isa't-isa at sabay na sumilip kay Hermoine na maingat na sumusunod kena Hiro.

"Stay where you are, Sirens!" Nakatutok ang kanyang busog sa limang babaeng umaawit. Tama ang hinala ko, kaya ng mga itong mag anyong tao.

"Ahahaha! Well well, amin na ang mga makikisig nyong mga prinsipe, ahahaha!" Malanding tumawa ang dalawang Sirena.

"You can't do that beautiful, Sirens." 'Di napigilan ni Eleanor ang 'di magpakita.

"Ahahahaha! Wala kayong magagawa. Since, they're under in our voices, they're already our collections. Hehehahahaha!" Sabi ng isang Sirena sabay tanggal ng balabal ni Zero. "Ang gwapo nila, gusto kong maranasan kung gaano sila kasarap gumawa ng bata.." Halos manliit 'yung mga mata ko. Hwag na hwag nyong galawin ang nag iisa kong bampira!!

Tuluyan na akong lumabas sa tinataguan ko. "Stop it!" Matigas kong sambit. Napatigil naman 'yung isang Sirena sa paghihimas sa katawan ni Zero.

"Hindi kami pumunta dito para bigyan kayo ng lalaking pagpapantasyahan---." 'Di natapos ni Hermoine ang nais sabihin nang sabay magtawanan 'yung limang Sirena.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon