Chapter 25: Run Away

2.3K 87 23
                                    

Chapter 25: Run Away

NAPATINGIN lang ako sa suot kong sapatos na kulay puti at may heels. Why do I have to wear this? 'Di naman masama kapag maglalakad ako ng nakapaa lang, eh. Mas nagiging komportable nga ako.

Suot ko ay isang puting  sleeveless na at puting bestida na sobrang haba. Natutuwa kasi ako kapag nakikita kong inililipad ito ng hangin kasama ang mga nyebe. Nakalugay ang aking golden white na buhok. Without minding the stares of others. Lahat sila ay nakasuot ng makakapal na coat at mukhang ako lang yata ang na out of place sa campuss. So, paki ko ba?

Taas noo akong naglalakad habang seryoso ang aking mukha. Iyong ibang napapasabay sa akin ay bigla nalang napapahinto. Eh, sino bang 'di mapahinto kapag kasabay mo ang nilalang na, na out of place sa fashion sa Winter Season.

Walang paki kong nilagpasan ang kanilang mga mapanghusgang mga mata. Nakarinig pa ako ng ilang bulungan na syang ikinahihinto ko.

"Look! 'Di ba sya nilalamig sa fashion nya. Like oh my gosh! Taglamig ngayon 'di tag init."

"Oo, nga 'di ba sya nahiya sa suot nya. Earth 'to besh 'di 'to Mars!" Nagtawanan pa ang mga nakarinig kaya awtomatikong uminit ang ulo ko at humarap sa kanila.

Maarte akong naglakad papalapit sa kanila while wearing my fierce look. Kumurap ako kasabay ng bawat segundo. Dahan-dahan kong inilagay ang kaliwa kong palad sa aking beywang sabay umarko ang aking kilay habang nakatingin sa dalawang babaeng nakabonet with scarf and thick coat.

"Nilalamig ka dahil wala kang ligo at pwede ba kung magbubulungan kayo sisiguraduhin nyong lagpas sa 1,000 radius ang pagitan natin dahil rinig na rinig na rinig na rinig ko ang mga bunganga nyong walang ibang magawa kundi husgaan ang mga nakikita. Oo paulit-ulit para naman masaksak dyan sa kokote nyo!" Malamig kong sabi. Nang inilibot ko ang aking tingin sa lahat ay napaiwas tingin ang mga 'to. 'Diko alam kong bakit palaging mainitin ang ulo ko. Para bang napakalaki ng galit ko sa buong mundo. Napapause ako saglit sa paglakad nang may maalaa ako. 'Ugh! Why did I talked to them! They're just wasting my time!'

Tuluyan kong nilisan ang hallway ng campuss. Pumasok ako sa classroom without minding the stares and attention. Napahawak nalang ako sa mahaba kong buhok at sinuklay 'yun gamit ang daliri ko. Nang mabored ako ay tiningnan ko ng masama ang mga kaklase kong naroroon na sobra kong makatitig sa akin kaya napaiwas nalang sila ng tingin.

'Diko alam nang bigla nalang napadako ang aking tingin sa bakanteng dalawang upuan. Nagtaka ako dito kung bakit may bakanteng upuan sa silid na ito. 'Di ako pwedeng magkamali kompleto ang lahat ng mga estudyante na nakaupo sa upuan sa silid na'to. 'Paano ba 'to nangyari? This is a bizarre one!'

Ipinilig ko lamang ang aking isipang 'yun. 'Why do I have to care some things?'

Napatingin nalamang ako sa apat na babaeng nagtatawanan papasok sa classroom. Sobra ang saya sa kanilang mga mata habang nagtatawanan. Napakunot nalamang ang noo ko saka napabuntong hininga. Napatingin ako sa upuang malapit sa may bintana dahil bakante ito. Hinanap ko ang nagmamay-ari nito at nang mapagtanto kong sobra pang maaga at siguro 'di pa 'yun nakarating kaya awtomatiko akong tumayo at pumunta doon. Nang aakmang uupo na ako ay napapause ako nang marinig ko ang pangalan ko.

"Kim!" Galing 'yun sa grupo ng kababaihan na kakapasok lamang. Dahan dahan ko silang liningon while wearing my fierce look. Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mukha.

"Oh hi! Goodmorning!" Sabay kaway pa sa akin ni Joana. Kusa namang napangiti ang kasamahan nya at kumaway narin ang mga 'to.

Ako naman parang tanga nagdadalawang isip kong babatiin ko ba sila pabalik o hindi. I slowly raise my right hand. Dahan-dahan akong ngumiti na 'di nakalabas ang ngipin 'yung parang napilitan lamang, 'yun ang ngiting ipinakita ko at bahagyang kumaway. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka dahil 'di man lang ako kumibo. I put my hands down at tuluyan ng umupo saka ibinaling ko narin ang aking tingin sa labas ng bintana. 'Do I acted like a weird one?'

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now