Chapter 44: Unfolded

1.7K 69 4
                                    

Chapter 44: Unfolded

"No matter how cruel is the world is, always follow your heart."

LONG time ago, there's an elf and a man who accidentally fell in love on each. They're already aware of what might happen next, still they continue the pleasure of their desire to be one ........as a family....and to have children. The elf who's name Queen Anasthasia and the man is name Arturo.

Isang dukha lamang si Arturo na lumaki sa ampunan, naglayas at napunta sa kagubatan. Sa 'di malamang dahilan ay naghanap buhay sya bilang mangangaso. At masasabi nating nagwagi sya sa mga pagsubok sa buhay. Nakapagtayo sya nang munting kubo sa pusod ng gubat bilang kanyang tahanan.

Isang araw habang sya ay nangangaso, nakita nya ang napakalaking usa na syang bumihag sa kanyang interes na hulihin ito.

Mabilis nyang inihanda ang dalang pamana at maingat itong itinutok sa usa. Mabigat ang kanyang mga pnapakawalang hininga habang dahan-dahang dumadagusdos ang malalaking butil nang kanyan mga pawis.

Mabilis at diretsong lumipad ang kanyang palasong pinakawalan sa usa, ngunit nagulat nalamang sya nang huminto sa ere ang kanyang palaso. Napaawang ang kanyang labi sa nasaksihang bagay, "Hindi 'to maaari..." ang bulong nya sa kanysang sarili.

"Sa totoo lang matagal na kitang pigilan sa'yong mga ginagawa, taong mangangaso." Mas lalong nagulat ang lalaki nang makarinig sya nang boses nang babae sa kanyang likuran.

Awtomatikong napalingon sya sa direksyon nito sabay hablot nang kanyang palaso at itinututok dito, "Who are you?" Nakakunot ang kanyang noo habang pinipilit nyang silipin ang nakatagong mukha nang babae sa makapal na abong balabal nito.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now