Chapter 9: Vasemuelle Kingdom

3.8K 119 0
                                    


NANG MALAMAN kong pupunta kami sa Vasemuelle Kingdom ay sobrang natuwa ako. Halos di ako makatulog kagabi sa kaiisip kung ano ang hitsura ng Vasemuelle Kingdom, kung ano ang hitsura ng dalawang malalakas na pinuno, kung ano ang meron sa Vasemuelle na diko pa nakita dito sa Luevre Castle. Halos gusto ko ng makita ang sunrise para lang malaman na aalis na kami.

Gusto ko ng makita ang Vasemuelle Kingdom at ngayon kanina ko pa gustong hampasin ng dala kong maleta itong si Zero dahil sobrang pinapainit nya ang ulo ko. Sobrang KJ sarap sapakin ng paulit-ulit.

"Huy!! Bilisan mo nga iyang hakbang mo ang kupad kupad mo tao ka ba talaga!" naiiritang sabi nya habang nauuna sa akin.

"Huy ka rin! Sinabi ko bang hintayin mo ako?!" sabay irap ko.

Kasalukuyan kasi kaming naglalakad papalabas ng kastilyo bitbit ang aming mga bagahe. Nauna na kasi ang tatlong Ultron Master kaya ito ako ngayon halos gusto ko ng sumabog dahil sa inis. Diko inakala na papansinin---ayy! este! nagpapansin pala sa akin itong si Zero.

"Ikaw pa itong inaantay, ikaw pa ang galit!" oh diba? Sakit lang sa ulo eh. Diko naman sinabi sa kanya na hintayin nya ako kaya ko namang maglakad ng mag isa.

Nang makalabas na kami sa may gate ay napataas nalang ang kilay ko ng huminto sya.

"Oh! Bakit ka huminto?" bored kong tanong saka pinunasan ko ang aking pawis gamit ang panyo ko. Nagkibit balikat lamang sya saka ibinaba nya ang kanyang dalang back pack at lumapit sa akin.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko nang kinuha nya sa mga kamay ko ang aking bitbit na maleta.

"Di ka parin nagbabago, makupad ka parin, ako na muna ang magdadala nito hanggang sa karwahe dahil siguradong aabutan tayo ng tanghali kapag ikaw ang magbibitbit sa maleta mo," di ako naka kibo sa sinabi nya.

Talaga bang marami talaga kaming similarities ni Snow, pagdating sa kilos? Ano pa kayang bagay?

Sumagi agad sa isipan ko ang imahe ng kwagong nadatnan ko sa may terrace na nakikipag eye contact sa akin ng ilang minuto kahapon. Siguradong sa kanya ang kwagong iyon dahil nakikita ko sya sa mga mata ng kwagong iyon na nakatingin sa akin.

"Ano ba wala ka ng dala oh? Bakit nakatunganga ka lang diyan?" nakangisi nyang tanong na ngayon ay dala na nya ang kanyang back pack samantalang bitbit ang aking maleta.

Diko alam kong ano ba dapat ang mararamdaman ko sa mga oras na ito, sobrang kakaiba. Natutuwa ako dahil di na sya galit sa akin, pero nalulungkot ako sa di maipapaliwanag na dahilan. Ngumiti nalang ako saka sumunod na sa kanya.

Nang marating na namin kung saan ang gagamiting karwahe ay nadatnan namin si Miss V na halos umabot na sa kanyang noo ang kanyang kilay dahil sa inis. Agad syang pumasok sa nakaunang karwahe. Naiwan namang nakatayo sina Mr. Klein af Miss A. Actually dalawa ang karwaheng nandito at sa pagkakaalam ko ay gagamitin daw namin ang private train ng mga Garcae para maging madali ang aming pagpunta sa Vasemuelle.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now