Chapter 43: Aiustha

1.6K 70 2
                                    

PARANG sobrang bigat sa aking pakiramdam nang mapagdesisyunan naming mamamaalam sa kaharian ni Haring Surmond. Matapos ang opisyal na pagpapakilala nya sa aking bilang Great Archer sa kaniyang mga nasasakupang Centaurs ay agad na kaming nagpaalam sa mga panauhin nya.

"Ikinagagalak ko kayong naging parte ng aming paglalakbay at higit sa lahat natutuwa akong buong puso nyong tinanggap ang aming pakikipag-alok na makikipagsanib pwersa sa aming alyansa!" Naghiyawan ang lahat ng mga Centaurs habang kalmado lang na nakatingin sa akin ang Hari sa pamamaalam ko sa kanyang mga alagad.

Tumingin ako kay Sofia na nakatayo sa tabi ng kanyang kapatid na si Leurdolon, ngumisi ito sa akin. Sa totoo lang parang namana nya ang ugali ng kanyang ama. Mahirap tukuyin ang mga bagay na kanyang iniisip, napatingin rin ako sa kapatid nyang si Leurdolon, sobrang seryoso ang mukha nito, masasabi kong magkapatid talaga sila, puro sila nababalot ng kamisteryosohan sa kanilang pagkatao. Napatingin rin ako sa aking mga kasama na kanina pa sumusuporta sa akin dito sa gitna ng bulwagan, at sobrang bigat sa aking loob ang makita na ang isa naming kasama ay 'di nagpaalam kung sa'n pumunta. Dahil nung matapos nya akong iniwan sa loob nung mala-paraisong gubat ay 'di na naming nabalitaan kung sa'n sya pumunta, kahit si Zeref na kaibigan nya ay nagsabing 'di lahat ng lugar na pinupuntahan ni Hiro ay alam nya. Iniwaksi ko ang isipang 'yun nang mapansin kong may namumuo nang luha sa'king mga mata.

"Mukhang nakakahiya naman sa aming panauhin Kim ang pag-alis mo ng pabigla!" Ngayon nakangiti na ang Hari na syang umagaw sa aking atensyon, "Pwede bang kahit isang kopita lang ng pag inom ng alak ang ipapakita mo sa aking mga panauhin?" Wala na akong ibang nagawa kundi kumuha ng isang kopoitang alak sa mataas nyang mesa na may nakahandang iba't-ibang klase ng alak at pagkain.


"Para sa bagong magiting na mamamana!!" Sigaw ko sabay taas ng hawak na kopitang may nilalamang alak. Sunud-sunod na hiyawan ang kanilang ginawa, kagaya ng aking ginawa ay ganun rin sila.

Para bang sa salu-salong ito ay nakalimutan ko ang problema ko. Ang aking problema bilang isang dalaga, dahil 'diko namalayan g gumuhit na pala ang aking matatamis na ngiti sa aking labi.

*****

"Hwag kang mag-alala sa ngayon magsisihanda na kami para pumunta sa Vasemuelle Kindom." Napayuko ako muli sa harapan ng Hari at ganun rin ang aking mga kasamahan, na sa ngayon ay kami ay papaalis na.

"Maraming salamat, King Surmond." Sa kahuli-hulian ay tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Leurdolon, "Sa totoo lang ay natutuwa akong makasalamuha ang kagaya mo, Prince Leurdolon." Tumingin rin ako kay Sofia, "At sa'yo rin Sofia." Nakita ko ang pagngiti ni Sofia kay Zeref na nakabusangot.

Then we turned our back in front of their eyes and wore our cloak.

Sa gitna ng aming paglalakbay ay walang kung sino man ang nagsalita. Lahat kami ay malalim ang mga iniisip. Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang buntong hininga ni Zero at hanggang sa 'di na nya mapigilan ang sarili ay nagsalita ito na syang nagpahinto sa aming lahat, "Stop pretending you're okay Kim. I knew you're not." I bit my lower lip for what he have said, at napansin ko nalang na napayuko na ako.

"Y-yes! I'm not f-fine... I was just trying to—."

"Kim, let it be... kahit gaano pa kasarap pa 'yang mga ngiting ipinapakita mo nakikita parin namin sa'yong mga mata na hindi 'yun ang ngiting totoong masaya dahil ang totoo ay napipilitan ka lang... napipilitan kang iparamdam sa amin na ikaw ay masaya. Dahil ayaw mong kami ay mag-alala sa'yo." Mas lalo lamang akong napaiyak sa mga salitang binibitawan ni Hermoine.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now