Chapter 22: That Day

2.6K 98 5
                                    

Chapter 22: That Day

NAGULAT nalang ako bigla nang tumilapon ako ngunit agad rin akong nasalo nina Welton. Pagtingin ko kung sino ang gumawa nun ay isang babaeng nagtataglay ng kakaibang lakas. Isang bagay ang nakapukaw ng atensyon ko. Suot nito ang koronang gawa sa itim na mahika, isa syang reyna ng mga mangkukulam!

Mabilis na nagsilapitan sa aking gawi ang mga kasamahan ko. Lalong lalo na si Aloora. Ganun naman ang mga guardians nina Gigan at Rico. Ngumingisi lamang sa akin si Gigan dahil 'diko naituloy ang pagsaksak sa kanya.

"Mukhang binigyan muli tayo ng pagkakataong magkatagpo, pamangkin ko." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tiyahin ni Aloora ang kaharap naming mangkukulam?

"Kung binigyan tayo muli ng pagkakataon ay 'di ako magpapasalamat." Kalmadong sabi ni Aloora. Nang lingunin ko ang mga mukha ng kasamahan ko ay lahat sila ay nanggigil sa galit.

"Bakit naduduwag kang matalo sa ating labanan? O natatakot kang mawalan muli ng minamahal?" Nakangiting wika ng aming kaharap na mangkukulam. Sabay pa nitong iniangat ang kanyang mahahabang kuko at inihaplos sa kanyang mukha.

"Sino sya Eleanor? Naririnig mo'ko diba? A-anong ibig sabihin ng mga naririnig ko?"

"S-sya ang p-pumatay sa aming a-ama. Tiyahin sya ni i-inay. Reyna ng mga mangkukulam, si Galima."

"A-ano?"

"Wala sa nabanggit. Tanggap ko na ang naging kapalaran ko kahit napatay mo man si Lestor ngunit 'di mo parin makukuha ang bagay na nais nyong makuha! At lalong lalo na 'di mo na mauulit ang pagpatay sa mga taong malalapit sa akin!" Lumabas sa kamay ni Aloora ang malakas na apoy at pinaliyab nya ito sa gawi ni Galima. Ngunit may invisible shield na pumoprotekta kay Galima kaya 'di sya nakain ng apoy. Itinigil narin ni Aloora ang kanyang ginagawa.

"Iyan lang ba ang kaya mo!!?" Mabilis ang pagsunggab ng malalakas na pwersa papunta kay Aloora ngunit mabilis itong napigilan ng hangin ni Welton.

"Mukhang nagkataong may mga alagad kang handang tumulong sa'yo. 'Di bale na tiyak na pupugutan na ng mga ulo ang mga kasamahan nyo sa oras na'to!"

"Wala kang mapapala sa amin Galima. Wala na ang hiyas sa palasyong ito." Sumabat na si Welonoir.

"At wala ng saysay kahit papatayin mo pa kami!" Dagdag ni Eleanor. Nagulat nalang ako nang biglang maglaho si Galima at napunta sa harapan ko.

"Nasa'yo ang hiyas diba? Ibigay mo! 'Di nyo ako maloloko nararamdaman ko sa kanya ang kapangyarihan ng hiyas!" Nakaramdam man ako ng kaba ngunit 'di ako nagpaapekto nito. Kita ko ang sa sulok ng aking mga mata ang pagkagulat ni Aloora.

"Kung nasa akin may magagawa ka ba?" I teased.

"Mukhang matapang ka ah?" Mabilis nyang itinarak sa aking leeg ang mahahaba nyang kuko ngunit mabilis ko namang nasangga ito sa mahahaba kong puting mga kuko.  My golden yellow eyes shaded with blood started to glow in rancour. Kita ko sa mga mata nya ang pagkabigla. My fangs is not on its length to show.

"Y-you're different!"

"Indeed!" Malakas kong ibinaon ang aking free hand sa kanyang dibdib kaya tumilapon sya. Nasalo naman sya kaagad nina Gigan. Nakita ko pa ang pagsuka nya ng dugo.

"You're a pathetic witch queen!" I hissed.

Mabilis syang tumayo ng tuwid habang 'di pinapansin ang dugong lumalabas sa kanyang bibig.
"Kung ganun...makikita mo ang tunay kong kapangyarihang tinataglay!" She shouted.

Agad akong hinatak ni Aloora.
"Kailangan mo ng makaalis dito!" Ngunit umiling lang ako.

"Pa'no kayo? Hindi ako mapapanatag kapag 'di ko kayo makikitang nasa maayos na kalagayan!" Turan ko. Sya naman ngayon ang umiling.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now