Chapter 13: Wood Ladies

3.1K 113 0
                                    


A/N: Ang hot na nasa media ay si Zeref Evan Zanth. Wahahaha

'My decision is my words and my words will be my action'











I ALREADY expected that I would fall on the ground but I'm surprised when a vine of plants enveloped my whole body. Dragging me slowly towards the girls direction. Sila ang nagmamanipula ng mga halamang pumupulupot sa akin.

"Don't touch her!" nagniningas na ang mga mata ni Hiro patakbo sa aking direksyon. Tanging ang pagtingala  lamang sa mga matutulis na krystal ng yelo ang nagawa ko nang lumutang ang mga ito sa itaas ni Hiro.

"Papatayin ko kayong lahat!!" galit nyang sigaw. Tuluyan ng lumipad papalapit sa direksyon ng mga kababaihan ang krystal ng mga yelo.

"Bilisan nyo ang pagkuha sa katawan ng nanghihinang binibini!" nakikita kong nahihirapan silang kunin ako dahil alam kong pinipigilan ni Hiro ang kanilang mga halaman na bumilis gumalaw. We both can stop the motion of the moving objects kaya alam kong sya ang pumipigil sa mga ito.

"Sobra ang pwersa nya para kunin natin ang binibini!" reklamo ng isa sa mga kababaihan.

"Ang mga krystal ng yelo!" sigaw ng isa nang mapansin nito ang mga krystal.

"Pigilan nyo!"

Nakita ko ang iba’t-ibang klase ng halaman na kanilang minanipula. Lumalabas ito galing sa ilalim ng lupa sinasalubong ng mga ito ang bawat yelong lumilipad. Sumasayaw ang mga ito sa kawalan at bigla nalang hahampasin ang mga krystal.

Tuluyan akong nakuha ng mga kababaihan. May tatlong babae ang umalalay sa akin upang i-upo. Isa sa kanila ang humawak sa bandang leeg ko.

"Malubha ang kalagayan nya. Kailangan nya ng pang-----" ‘di natapos ng babae ang sasabihin nya dahil bigla nalang syang umangat sa kanyang kinatatayuan. Hawak na ni Hiro ang kanyang leeg.

"Walang ibang makakagamot sa kanya kundi ang mga Wizards lamang na may dugong mangkukulam!"

Pilit akong tumayo at sinusubukang tanggalin ang kanyang mga kamay sa leeg ng babae.

"H-hiro... huwag... nakikiusap ako. Kailangan natin ang tulong nila." hindi nya ako pinakinggan kahit marami ng halaman gumagapos sa kanya at hinahatak sya papalayo dito upang mahiwalay sya sa pagsasakal sa babae.

"All creature who tried to touch what is mine will die!"

"N-no Hiro! D-don't kill her! *cough* *cough*" tinapik tapik ko na ang kanyang mukha ngunit ‘di parin sya nakikinig.

Maraming halamang na ang gumapos sa kanya tanging mukha lang nya ang ‘di napupuluputan.

"Patigilin na natin sya!" sabay-sabay ng sumugod ang mga kababaihan na dala ang kanilang sibat. Tumalon ang iba pabagsak sa direksyon ni Hiro at inakma syang sasaksakin. Nakita ko lamang na inihagis nya ang babaeng hawak nya sa may leeg at mabilis nakawala sa mga pumupulupot na mga halaman.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum