Special Chapter: The Chosen Four

3K 83 2
                                    

NAPASINGHAP ako ng hangin dahil sa tuwa nang makita ko ang aking dalawang kapatid na nakangiting nakikipagkuwentuhan kay Lola Carla.

Kakababa ko lamang galing sa aking kwarto at ito ang unang bumungad sa aking mga mata.

Napatayo nang sabay ang aking dalawang kapatid nang makita ako. Napalingon narin si lola Carla sa aking gawi.

"Di na kita ginising pa. Baka ma-istorbo ko ang masarap mong pagtulog," nakangiting sabi ni lola.

"Lola naman. Bakit 'di mo 'ko ginising?" Nakabusangot kong tugon sabay lapit at yakap sa dalawa kong kapatid.

Napatawa naman ang mga ito dahil sa tinuran ko.

"Hay naku! Kailan ka pa naging isip bata?" Bumusangot ako sa sinabi ni ate Carlisle. Gosh! Namiss ko rin siyang tawaging Shrine!

At ginulo naman niya 'yung buhok ko, "Ate naman! Mahirap magsuklay!" reklamo ko.

"Hahaha! Nakakatawa kayong dalawa," napabaling ang aking mga mata kay Snow.

"Ayiee... Hali ka nga rin dito, Snow. Remember, baby girl ko kayong dalawa?" Lumawak ang nakakalokong ngiti ni ate Carlisle at nagtaas-baba pa 'yung mga kilay niya.

"Nah, baby girl ka diyan! Matanda na ako!" kahit naman 'di sabihin ni Snow, halata namang nakikiliti 'yan sa mga sister's words ni ate Carlisle.

"Hali kana!" ako na ang humigit sa kanya at ayun niyakap kami ng sobrang higpit ng aming nakatatandang kapatid. Halos maluha-luha na sa pagtawa si lola dahil kulang nalang magkulay ube kami dahil halos 'di na makahinga.

"A---te, *cough!* *cough!*"

"Hahaha ang kyut niyong tingnan!"
Kulang nalang sasayaw sa tuwa si ate sa hitsura namin na nakahawak sa dibdib habang hinahabol ang hininga.

"Y-yakap pa ba 'yun?" natanong ko nalang, "Nakakatakot kang yumakap ate promise!"

"Hehehe 'sensya na. Natuwa lang kasi ako sa inyong dalawa eh." nagkibit balikat siya, "Anyway..." umupo na siya sa couch. Nagpakalayo naman kami ni Snow sa kanya. Baka may part two 'yung yakap na ginawa niya.

Actually, bumibisita talaga silang dalawa dito. Mostly, si Snow lang dahil we knew nagma-manage si ate Carlisle sa Vasemuelle, even that war already ended she's still a Shrine after all. Sometimes, sumasama naman 'yung ibang Ultron Master just to check my situation. Wala namang naging problema sa pag bibisita nila sa akin.

I already have this intuition since I'm already in the highest level of my power as a Garcae dahil sa napapansin ko tiyak na may ibang sadya ang pagdalaw ng dalawang 'to sa akin. Dahil 'di nila isinama si Zero, naging bestfriend ko rin naman ang hinayupak na 'yun kaya natural ma-mi-miss ko rin 'yun.

"Oh!" sabay kaming napatingin sa biglang bumukas na pintuan sa entrada, "Family reunion?" iniluwa nang pintuan si Eric na may kahawak-kamay na babae.

Napangiti na lamang ako sa aking nakita. It's Salome! Sa wakas natanggap rin ni Eric ang kamaliang ginawa niya kay Salome nung mga oras na 'di niya pinakinggan ang side nito.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now