Chapter 52: The Legendary Form

1.9K 61 8
                                    

Chapter 52: The Legendary Form

ZEREF screamed in horror as he darted a glance on me when he flew from the enemy's attack. Gusto kong tumakbo para saluhin si Zeref ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Hiro sa aking kamay habang ang kaniyang mga pakpak ay nakabuka na, handa nang lumipad.

"Zeref!" Tanging pagtawag lang sa pangalan niya ang aking nagawa.

Nanatili sa aking tabi sina Hermoine, Eleanor, Leilah, at Snow. Nakaposisyon na ang mga ito, makikita mo sa kanilang mga mata na determinado silang makikipaglaban para lang ako'y maprotektahan.

Napakagat labi lang ako. I promised earlier that as they fight for me I should fight for them too but what am I seeing right now is my comrades who's now bearing the pains that they received from the enemy's attack.

Kumawala sa katawan ni Zero ang napakaraming hibla ng kidlat habang naka mutation form na siya ganun rin si Patricia na kasama niyang nakikipaglaban sa isang Heneral.

Umatake ang kalaban sa kanila ngunit 'di sila nagpahuli sa mabilis na kilos nito. Nang umambang pakawalan ng kalaban ang hawak niyang mga dagger ay sinalubong ito ni Patricia sa buong bilis ng kaniyang pagkilos. Inakala kong matatamaan siya nito ngunit nagslide lamang siya sa lupa. Ginawa niya 'yun para maagaw ang atensyon ng kalaban. "I guess it's your turn, Master Zero!" she shouted and vanished in front of our sight.

Nagpakawala si Zero ng kidlat sa direksiyon ng kalaban inakala kong hihiyaw sa sakit ito nang matamaan ngunit napaawang lang ang labi ko nang nakangisi ito, balot na balot ng hibla ng mga kidlat.

"Imposible!" Rinig ko ang sigaw ni Snow sa'king tabi. Alam kong gusto niyang tulungan si Zero kaya sumigaw ako.

"Help her Snow bago pa siya maatake ng Heneral!" Natataranta kong sigaw.

"No! I won't leave you here!" She protested.

"Help him if you don't want him to die!" Gigil kong sigaw.

Nagdadalawang isip ang kakambal ko pero sa huli ay wala siyang nagawa kundi tulungan si Hiro.

"Wala tayong laban sa sampung Heneral na 'yan!" Leilah gasped as she watched the terrible state of our comrades. She's right, wala kaming laban dito, but we should try our best.

"They won't die here!" Hermoine raised her bow and pulled the string on it as she focus it on her target. Nakaramdam ako ng ginhawa habang pagmasdan ko siya.

"Even it's hard for me to support them I'm willing to help," she lifted her both palms, without even a second a green light glowed on her hands.

Ramdam ko ang ipinapamalas nito sa aming mga kasamahan. Sinusuportahan niya ang lakas ng mga ito.

Nang pagmasdan ko sina Welonoir ay sobrang seryoso ito na naka elemental form ganun rin ang kaniyang mga kasamahan.

Nang umatake siya sa babaeng Heneral ay nasalo ang mabilis na paggalaw ng kaniyang mga kamay. Nginisihan siya ng kalaban kaya kita ko sa kaniyang mga mata ang panggigil. 'Di naagapan ng kalaban ang biglang pagtagos ng kaniyang mga kamay sa katawan ni Welonoir.

Awtomatikong rumagasa ang malakas na tubig galing sa katawan ni Welonoir papunta sa kalaban. Lumanding rin sa harapan ng kalaban si Stella at tinadyakan ito para tumilapon ngunit nagulat nalamang ako nang 'di man lang napaatras ng ilang dangkal ang kalaban sa kaniyang kinatatayuan. Hinatak nito kaagad ang paa ni Stella at hinagis sa rumaragasang tubig ni Welonoir.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now