Chapter 37: Leilah

1.7K 88 11
                                    

Si Kim Dwight ang nasa media.

Chapter 37: Leilah

KAHIT nakangiti ako ay 'diko maiwasang 'di kabahan. What's with me? Pero ito ang nararapat kong gawin. Dapat kaming sumugal sa bagay na ito.

"You easily accepted the challenge." Ang sabi ng sirenang nakabalabal ng asul. I composed myself and answered.

"Of course, this is my spirit." Tumingin ako kena Hiro na ngayon ay 'di pa nagigising. Hawak parin sila ng mga Sireno.

"Well, let me ask something, princess?" Hermoine interrupted.

"Hmm?"

"Paano natin malalaman kung sino ang panalo sa deal na ito?" Ramdam ko ang panghahamon sa boses ni Hermoine, kahit 'di nya sabihin ay alam kong kinakabahan rin sya. Ganun rin si Eleanor.

'There's no turning back girls. This is the only way.'

'Let just do our best, even Sirens are extremely good at singing we still have a chance to surpass them.' Determinadong sagot ni Eleanor.

'Well, let's just see. I'm nervous, huh.' Si Hermoine.

"Simple lang naman..." Tinuro ng prinsesa ang mga Sireno at Sirena na nakapaligid sa amin. ".. In this case, their role is to raise their hands if their favor is on your groups or us." Nakangiting wika ng prinsesa. I can feel it, sya ang pang apat sa amin. "I want some volunteer to stand as a host...somebody come forward."

"What if, if all the favor is on you. It will be an ironic right?" Biglang sabi ni Eleanor dahilan kaya napatayo ang Sirenong hari sa kanyang trono.

"How dare you to talk like that with my daught---."

"Take it easy Father..they're just trying to make all things clear." Kalmadong sabi ng prinsesa. Kinalma naman ng Hari ang sarili at muling umupo sa trono. Lumapit narin ang nagvolunteer na isang Sireno bilang host sa Prinsesa.

"Gusto kong linawin ang kasunduang ito mga kauri kong Sireno't Sirena." Medyo nilakasan ng Prinsesa ang boses habang nililibot ang mga mata sa lahat. "I want you to choose who's really the best voices in your ears. Hwag nyong ibigay sa amin ang inyong boto dahil kauri at prinsesa nyo ako, kundi ibigay nyo sa amin ang inyong boto dahil para sa inyo kami ay magagaling sa pag aawit." I'm glad, Sirens don't really play in a dirty way. Madali talaga sila gawa'n ng pakiusap o sabihin nalang natin na desisyon ito ng prinsesa na 'di pa nagpakilala. "Ipakita natin sa ating taga ibang mundong bisita na ang mga Sirena ay 'di kagaya ng mga haka-hakang naririnig nila na tayo ay masasama. Mapaglaro man tayong mga Sirena ngunit 'di 'yun ibig sabihin na tayo ay nabubuhay sa kasamaan."

'Hope we can make this ladies, mahihimatay na ako sa kaba.' Reklamo ni Hermoine. 'Lagot tayo kapag 'di natin 'to maipanalo. Maaalipin ng prinsesa sa kanyang mahika ang tatlong lalaki. Natatakot ako!'

'Kailangan nating ibuhos ang ating husay at galing sa pag awit. Naniniwala akong magagawa natin 'to.' Eleanor said.

'Let's think positive, we should believe ourselves that we can do this.' I added.

"Sana naunawaan nyo mga kauri ko..." Bahagyang yumuko ang prinsesa bilang pagpapakita ng paggalang sa lahat.

"Uumpisahan na ba natin mahal na prinsesa?" Tanong ng Sirenong gaganap bilang host. Tumitig muna sa amin ang prinsesa at ang dalawang kasama nitong babae na sobrang seryoso bago sumagot.

"Oo."

"Goodafternoon Sirens and other creature who's here to witness the great voices of our participants!" Magiliw at nakakagising na anunsyo ng host. Bagay na bagay sa kanya na maging host. Napatitig muli ako kena Hiro. I won't let you guys to left behind. We gathered in this place together so we will leave this place together, that's a promise. "Ang labanan na magaganap ay nahahati sa dalawang grupo na may tig-tatlong miyembro. Sa panig natin ang Le Sirenas, na walang iba kundi ang ating pinakamagandang prinsesa, si Belle at si Jenny, bigyan natin sila ng mainit na palakpak!" Nagpalakpakan ang lahat, pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit 'di sinabi ng host ang pangalan ng prinsesa. Pakiramdam ko planado na ang lahat. "Sa kabilang panig naman ay mula sa kabilang mundo, tatawagin natin sila sa pangalang ito dahil tatlo silang babae. Ang Tresmarias!! Bigyan rin natin sila ng mainit na palakpak!" Nagpalakpakan naman ang lahat. Nakita ko pang tiningnan lang kami ng Hari, kumpara kanina sa kanyang kauri ay wagas ang kanyang palakpak. Sabagay, he don't like the idea of her daughter. Tresmarias, huh. Sound's good. Matapos ipaliwanag ng host ang dapat gawin ay humanda na kami.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon