Chapter 34: Another Journey

2K 88 25
                                    

Chapter 34: Another Journey

"NATUTUWA akong ligtas kayo, Eleanor." Habang yakap ko sya. Nandito na kami sa labas ng malawak na silid habang nakaupo sa isa sa mga upuang nakahilera. Busy sa pag uusap ang lahat sa loob. Pinag uusapan nila kung bakit naparito ang mga Elemental Wizards at ang mga Orcs.

"Natutuwa rin akong makita kang ligtas." Sya, habang nakangiti.

'Baby, I think you need to get inside.'

"Kinakailangan yata nating malaman kung ano ang pinag uusapan nila." Tumango nalamang sya bilang sagot at dahan-dahan naman naming binuksan ang pintuan. Nakita ko na sa sobrang lawak ng silid na'to ay 'di umabot sa ¼ ang mga nandirito.

Sobrang seryoso ang kanilang pinag uusapan. Nakita kong nandoon si Aloora kasama ang mga babaylan at ang ibang mga wizards na malalakas, pati narin si Welonoir, Welton, Earold at si Fiermond. Habang 'yung mga Orcs  naman ay nanatiling nakatago ang kanilang mga mukha sa suot nilang mga balabal.

'Yung nangyari kanina ay akala ko susugurin nila kami ngunit nakita nalang namin silang sunud-sunod na bumaba sa sinasakyan nilang kabayo at sumigaw ang pinuno yata nila 'yun na lalaki nang: 'We're here in peace. We wanted to join in your alliance to fight against cruelty.' At kasabay nun ay sunud-sunod silang lumuhod. 'Di narin nangamba ang Shrine kung sakaling traydor ang mga ito o espeya dahil may kapangyarihan si Aloora na makita ang mga ninanais gawin nila sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa mga hitsura nito, kahit pama'y nakabalabal ang mga ito

"Ano ba talaga ang sadya nyo rito at mukhang nagkataong magkasabay talaga ang mga Orcs at mga Elemental Wizards?" Nanghahamong tanong ni Miss Violet. Seryoso ang kanyang tingin kay Aloora, samantalang si Aloora naman ay nakangiti lang na parang wala lang 'yun sa kanya.

"Naririto kami upang maghatid ng mensahe." Si Aloora. "May ilang araw pa tayong maghanda para sa paglusob ng kampon nina Gajeel at Zeraffina."

"Kayo mga Orcs anong motibo nyo?" Napabaling ang atensyon ng lahat sa mga Orcs dahil sa maawtoridad na tanong ng batang Supremo.

"As I've said earlier to join in your alliances." Sagot ng isang Orc na duda ko ay sya 'yung nagsalita kanina.

"In what reason?" Si Zero na naman ang nagtanong.

Naghari ang katahimikan. Naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na si Hiro habang hawak ang kanan kong palad. Si Eleanor naman ay nakakapit sa kaliwa kong braso.

"Speak up, Orcs. Kilala kayo na isa sa mapang abusong tribo. Ngayon sabihin nyo sa amin kung ano inyong motibo?" Nanghahamak na tanong ng Shrine.

"Isa kami sa mga masasamang Orcs. Matagal na kaming 'di sang ayon sa mga batas nilang nang aabuso ng mga inosenteng nilalang. Nang magkaroon ng digmaan ang mga Orcs laban sa mga Elf ay nagkaroon kami ng pagkakataong makatakas ngunit sa kasamaang palad marami ang namatay sa amin kaya kami nalamang ang natira." Pagpapaliwanag ng pinunong Orc.

"Ikaw ba ang pinuno ng mga kasamahan mo?" Sabat ni Miss Liera.

"Sa katunayan isa akong kanang kamay ng pinuno ng mga Orc at ngayon ay ako na ang tinuturing nilang pinuno."

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now