Chapter 35: Le Sirenas

2.2K 83 10
                                    

Chapter 35: Le Sirenas

NAPAPIKIT ako ng ilang segundo tsaka pinagmasdan nalamang ng huling sandali ang kabuuan ng kaharian. Napayag ko silang lahat na sasama ako sa paglalakbay at ito ako ngayon sakay sa aking puting kabayo, pati narin ang aking limang kasamahan. Nakasuot kami ng tig iisang balabal. Nakatingin lang sa amin ang lahat hinihintay ang aming pagpasok sa portal na syang lagusan para madali kaming makapunta sa aming paroroonan.

"Mag iingat kayo..." Sabi ng Shrine. Bumaba muna si Hermoine sa sinasakyang kabayo tsaka humalik muna sa kanyang ina't ama. Ganun rin si Eleanor kay Aloora, niyakap pa sya ng kakambal. Ang totoo naiinggit ako s kanila pero  'di bale na. Walang oras sa inggitan ngayon. Inilihis ko ang tingin sa kanilang lahat ngunit 'diko inasahan nang may mga palad na humawak sa aking kamay. Pagtingin ko rito tumambad sa aking mga mata ang nakangiting mukha ng Shrine. "Babalik ka ng ligtas...Kim. Aasahan ko 'yan." Nagtaka lang ako sa kanyang sinabi at nang makaget over na ay tinanguan ko lamang sya.

"I will... Shrine."

"Binibini!!" Napalingon ako kay Tallah nang sumigaw ito. Kusang gumuhit ang aking mga ngiti nang makita syang kumakaway habang nakangiti. "Mag iingat kayo, ha?" Tumango ako sa kanya at gumanti ng pagkaway.

"Of course we will!"

"Kim be safe!" Maawtoridad na sabi ni Miss V. Sunud-sunod naring nagpaalam sa akin ang mga Ultron Master, pati narin kay Hiro at Zeref, especially kay Zero.

Napangiti nalamang ako at sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa Shrine na nanatili sa aking harapan, hawak parin ang aking kamay. Tumango sya sa akin, senyales na pwede na akong umalis. Ngiti lang naisagot ko sa kanya at tuluyan na nyang binitawan ang aking kamay.  Naramdaman ko nalang na tumabi na sa aking sinasakyang kabayo ang kabayo ni Hiro. Hinawakan nya ang aking kamay at tinanguan rin sya ng Shrine. "She will be safe unless she's with me."

Dahan-dahan nang tumalikod ang aming sinasakyang kabayo sa kanila. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita kong sunud-sunod nang pumasok ang aming mga kasama sa may portal. Maghawak kamay parin kami ni Hiro hanggang sa tuluyan kaming tumagos sa nasabing lagusan.

Tumambad sa aming mga mata ang isang disyerto. "We're in a dessert." Nasabi ko nalamang, habang nililibot ang aking mga mata sa buong paligid.

"Glad kasama natin si Eleanor, she could summon some fresh water for us." Chill na sabi ni Zeref.

"Huy! Hindi ako sumama sa paglalakbay na'to para magiging water girl nyo!"

"Shhhh..." Tumahimik sila nang sinita sila ni Zero.

Ilang minuto ang lumipas at nang mapansin naming pabagal ng pabagal ang sinasakyan naming kabayo ay biglang nagsalita si Zeref. "Our horses must take a rest." Agad syang bumaba sa kanyang sinasakyang kabayo at ginaya narin namin ang kanyang ginawa.

"What now?" Hermoine asked.

"Kung ibalik nalang kaya natin sila sa kaharian." Suhestiyon ni Zero.

"Sa tingin nyo madali 'yun?" Sabat ni Hiro na halatang naiinis. "Ang init pa!"

"Syempre noh disyerto 'to. Teka--ano bang mainit. Eh, tingnan nyo nga palubog na 'yung araw?" Turo ni Hermoine sa palubog na araw.

"You know, vampire do really hate summer, dessert, sun rays and such thing contains heat." Si Zeref na ang sumagot.

"Ahhh okay."

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now