Chapter 4

451K 8.8K 1.1K
                                    

Ang hinahangaan at kinaiinggitan ng lahat ng babae sa College of Engineering na mas kilala sa tawag na Oh So Sossy Group ay tinungo agad ang Comfort Room upang mag-retouch.

"You know girls, I can't wait na maipakita sa inyo kung gaano kaganda ang beach resort namin." Wika ni Ginny matapos maglalagay ng lipgloss sa kaniyang labi.

"We all know naman na ikaw ang pinakamayaman sa ating lahat kaya I'm excited too!" Litaniya naman ni Arianne pagkalabas niya sa dulong cubicle.

"Ang tagal niyo naman diyan sa loob!" Sigaw ni Roxette sabay pasok sa loob ng CR.

"Sorry naman, kailangan naming mag-retouch you know, baka may makatabing boylet." Wika ni Ginny sabay wisik ng pabango sa kaniyang balikat.

"Tsaka magboboy-hunting tayo mamaya sa may soccer field diba? Kaya dapat mapansin kami ng mga gwapo roon noh!" Dagdag ni Arianne na naghuhugas ng kaniyang kamay.

"Hay, ayan na naman po tayo. Pati ako, dinadamay niyo sa kalokohan niyo eh." Sambit ni Roxette habang nagkakamot ng kaniyang ulo.

"Ikaw kasi, maganda ka na! Sexy! Kaso nga lang, you look like a nerd dahil sa salamin mo!" Wika ni Ginny sabay lapit sa kinaroroonan ng kaibigan.

"Kung ako sayo, magcocontact lens na lang ako. Sa yaman mong iyan? Hay, napakasimple mong tingnan. Uso naman na ang contact lens nowadays." Wika ni Arianne habang tinatanggal ang salamin ng kaibigan.

"Simplicity is beauty nga diba? Tsaka hindi ko na kailangan pang magpaganda kasi, maganda na ako! Haha!" Wika niya sabay pose ng sexy style with pouty lips pa.

"Ok! Ikaw na! Speaking of contact lens, I have one pair dito sa bag. Wait, susuot ko lang para mas lalo akong magmukhang fierce! Hihi!" Wika ni Ginny at kinuha ang contact lens sa kaniyang bag sabay pasok ulit sa loob ng CR.

"Rich kid na, spoiled brat pa! Haha!" Mahinang sambit ni Roxette sa katabi.

"Girls, ayun sina Roxette at Arianne! Ang mga idol ko pagdating sa pananamit! Sayang wala si Ginny!"

"Oo nga! Sila yung Sossy na hindi maaarte at mayayabang. Sobrang down to Earth!"

Napangiti naman ang dalawa sa magagandang feedback na kanilang naririnig mula sa ibang mga estudyante.

"Tara papicture tayo guys!"

Nagsilapitan yung mga freshmen sa dalawa.

"Hello po! Pwede ba kaming magpapicture sa inyo?"

"Idol po kasi namin kayo eh! Lalo na pagdating sa inyong pananamit!"

"Wow, nakakataba naman ng puso. Hindi naman kami artista eh." Wika ni Roxette na todo makangiti.

"Salamat sa mga feedback niyo! Sige, let's take a pic!" Singit naman ni Ginny na kakalabas lang ng CR.

"Oh my Ginny! Your looks like fierce as a tiger! Rawr!" Wika ng isang freshman.

"Oh thanks for the compliment." Aniya sabay pose ala Solenn.

Nagpapicture ang tatlo kasama ang mga freshman in different style. Nag-enjoy naman ang bawat isa sa kanilang ginawa at tinungo na nila ang Canteen.

"Oh guys, what can you say sa bago kong itsura? Bagay ba?" Tanong ni Ginny ng makaupo na sila sa kaniya-kaniyang upuan.

"Ahm, bagay naman sayo kaso lang nakakatakot yung itsura mo. Bakit ba kasi gray pa? Kung design pa eh parang mata ng pusa. Nakakasindak ka." Wika ni Roxette habang inaayos ang kaniyang salamin.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon