Chapter 16

254K 6.2K 1.1K
                                    

"Pasensya na kung napag-init ko kayong lahat. Sadyang hot lang talaga ako haha!" Wika ni Ramil habang hawak ang bote.

"Ang kapal!" Pagsalungat ni Ginny.

"Jacket please! Masyadong mahangin eh." Wika naman ni Roxette.

"Sus, partida pa nga iyon eh! Kasi, hindi niyo pa nakikita ang katawan ko. Paano pa kaya kung naghubad ako? Ade naglaway na kayong lahat? Haha!" Pagbibiro nito.

"Lahat talaga pare? Haha!" Wika ni Ethan.

"Ako ang pinakahot at yummy sa lahat! Haha!" Singit ng hari ng kayabangan.

"Kahit kailan talaga, mga banat mo Karlo!" Wika ni Mae.

"Oh para matahimik na ang lahat, spin the bottle na ulit. Hehe!" Wika nito at pina-ikot na yung bote.

"We want Jerome!" Sigaw ng lahat.

"Aba, trip niyo akong lahat noh? Pagkaisahan daw ba ako." Wika ni Jerome na kinukutuban na.

"Oh ayan na, malapit ng huminto!" Wika ni Ramil na sabik na sabik na malaman kung sino ang kaniyang paparusahan.

"At ito'y tumapat kay... Xiara!" Dagdag pa nito.

"Xiara! Mabuhay ka! Akala ko sa akin tatapat eh! Haha!" Pang-aalaska ni Jerome.

"Masaya ka na niyan? Hay." Wika ni Xiara sabay buntong hininga.

"Oh no choice ka na Xiara, truth or dare?" Tanong nito.

"Sabi nga nila, enjoy lang natin ito kaya DARE!" Matapang na sagot nito.

"Ayun, iyan ang dapat! So be ready for your consequence. Letter what?" Sambit rito ni Ramil.

"I'm always ready! Girl Scout yata to! Letter W." Masiglang sagot nito.

"Oh W! Ang hirap naman! Haha! Pero dahil uso ito ngayon, your dare word is WIGGLE. Magkakawag ka diyan sa gitna hanggang sa mapatawa mo kaming lahat." Wika ni Ramil.

"Grabe ha! Ano ako? Kengkoy? Hirap na hirap pa naman ako sa pagpapatawa!" Wika ni Xiara na nababanas sa dare na ibinigay sa kaniya.

"Pero wala naman akong choice. Sige, susubukan kong mapatawa kayong lahat." Wika nito at naglakad patungo sa gitna.

Pinatugtog ni Ramil ang WIGGLE WIGGLE sa kaniyang cellphone.

Nagsimula na yung kanta pero nakatayo lang si Xiara sa gitna.

"Hala, anong gagawin ko? Hindi pa naman ako sanay sumayaw para mapatawa sila." Wika niya sa kaniyang isipan.

"Xiara, galaw-galaw!" Wika ni Dion.

"Bahala na!" Wika nito at nagsimula ng umindak.

Sumayaw siya ng ala-jollibee style dahil nga matigas ang kaniyang katawan, tumawa sila Jerome, Grace, Mae, Abi, Josh, Aaron, Tom, Arianne, Ethan, Karlo, Joan at Agatha.

"Oh Xiara, napatawa mo na yung labing dalawa. Labing tatlo pa." Wika ni Ramil.

"Hala, nahihiya na ako sa ginagawa ko eh! Pero game!" Wika niya.

Sumayaw naman siya ngayon ng Boom Tarat-Tarat sa mabilis na paraan. Napatawa niya sila Adrian, Mia, Ginny, Nikka, Jake, Tin at si Hannah.

"Nice one Xiara, pero hindi mo pa rin napapatawa ang lahat. Nineteen na ang napapatawa mo kaya anim na lang ay matatapos mo na ang iyong dare." Wika ni Ramil.

"Okay, ibibigay ko na yung best at nakakahiyang gawin para mapatawa lang kayo." Ani niya kaya hinanda na niya ang kaniyang sarili para sa huling gagawin.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon