Chapter 11

270K 6.4K 663
                                    

Naglakad na pabalik si Hannah sa kaniyang upuan para ihanda ang sarili sa pagpapaikot ng bote.

"Goodluck guys sa kung sino man ang matatapatan!" Wika nito habang nakangiti ng nakakaloko.

Sinimulan na niya ang pagpapaikot sa bote at ito ay tumigil sa harapan ni Henry.

"Yun, go Henry!" Wika nito habang may pacheer-cheer pang nalalaan.

"Truth or Dare? Maging maingat sa iyong pipiliin." Dagdag nito.

"Dare! Challenge me!" Wika nito sabay tanggal sa suot na salamin.

"Kung iyan ang gusto mo, pagbibigyan kita. Letter please?" Wika nito sabay tayo sa kaniyang kinauupuan.

"Letter D, Ms. Leoncio!" Wika nito at tumayo rin.

"Talagang gusto mo ng dare ah? Geh! Pero sandali lang." Wika nito at umalis sabay tinungo ang kusina.

"Excited na ako haha!" Wika nito kahit halata mong kinakabahan siya.

Maya-maya pa, bumalik si Hannah na may dalang blender, ice cubes, at ampalaya.

"Oh Hannah! Dare kung dare talaga ah!" Wika ni Adrian.

"Naman!" Sagot niya rito.

"At dahil masyado kang tahimik at parang medyo may pagkabitter ka, feeling ko lang ah? Eto ang bagay sayo, ampalaya shake! Kaya ang Dare word mo ay, DRINK." Wika nito habang inaayos ang ampalaya.

"Ganun pala tingin mo sa akin, bitter? Haha!" Wika nito sabay tumatawa pa.

Nang magawa na ni Hannah ang ampalaya shake, binigay niya na ito kay Henry upang inumin.

"Drink that two glass of ampalaya shake and the other one is, you need to give it to the person which do you think is bitter." Wika ni Hannah na hindi mo na maipinta ang mukha sa tuwa.

"Okay!" Wika nito at kinuha na ang unang glass nito.

Napangiwi si Henry sa pait dulot ng ampalaya matapos niyang masaid ang laman ng unang glass.

Iinom sana siya ng tubig ngunit naalala niya magiging mapait pa lalo ang kaniyang panlasa kaya hinayaan na niya na lamang ito.

Nang inumin naman niya ang pangalawang glass of ampalaya, halos masuka-suka na siya at maluha-luha dulot ng pait kaya nagtatakbo kaagad siya sa kusina at kumain ng asukal upang mapawi ang pait nito.

"Ang pait lang siguro, pure ampalaya pa, wala man lang konting asukal." Wika ni Nikka.

"Ang tanong, kanino kaya ibibigay ni Henry ang huling glass of ampalaya shake? Haha!" Wika ni Hannah na halos gumulong na sa sahig sa katatawa.

"Tae Hannah! Ang pait!" Sigaw nito habang naglalakad pabalik sa pwesto ng mga kasama.

"Pasensya naman, ngayon ay makakaganti ka na! Haha!" Wika ni Hannah.

"Gusto ko sanang ipainom sayo yung last glass eh kaso may gusto talaga akong pagbigyan, iyon ay si Ginny! Haha!" Wika nito.

"Why me? Bakit hindi yung iba?" Tanong nito habang nanlalaki ang mata sa gulat.

"Kasi, sa tingin ko ay bitter ka. Bitter ka sa mga taong may lovelife! Hehe!" Paliwanag nito.

"Huhuhu! Ako pa talaga yung nakita mo no?" Wika nito habang nakabusangot sa inis.

"Huwag kang mag-alala, ako na ang iinom para sayo." Wika ni Ramil at kinuha yung ampalaya sabay inom.

"Ahhh! Sarap! More! Parang alak lang hehe!" Wika nito sabay kindat kay Ginny.

"Mukhang may mamumuo na naman po! Hehe!" Wika ni Arianne sa katabi.

"Sige i-push natin iyan." Wika ni Roxette sa kaibigan.

"Sabi na nga ba eh, malagkit kasi makatingin itong si Ramil kay Ginny eh. Sagutin mo na! Haha!" Biro ni Henry.

"Loko!" Ang tanging nasabi ni Ginny dahil nahihiya siya sa binata.

"Paikutin na nga natin!" Wika ni Henry at nagsimula ng magpaikot ng bote at ito ay tumigil naman kay Dion.

"Oh pare, alam na ah? Haha! Truth or Dare?!" Wika ni Henry.

"Tinatanong pa ba iyan? Kung si Joan ay nagdare, ako pa ba hindi? Syempre, dare!"

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Haha! Letter dude!" Wika nito.

"Letter G pare!" Wika nito na para bang kalatuy-latuy.

"Aba, G talaga? Geh, your word is GAPANGIN." Wika ni Henry habang nakangisi.

"Grabe, gapangin talaga?" React ni Abi.

"Oh, alam ko iyang mga nasa isip niyo! Huwag green!" Wika niya sa mga kaklaseng kakaiba ang mga reaksyon ng mukha.

"Oh siya, explain mo na ang gagawin ko dali!" Wika ni Dion habang pilyong nakangiti.

"Excited? Haha, gapangin mo ang kusina at kumuha ka ng isang mansanas. Tapos, kainin mo habang bumabalik ka rito ng gumagapang." Wika nito.

"Grabe, ang hirap naman! Akala ko makakascore na ako eh hehe! Joke lang sige na sige na!" Wika nito at nagsimula ng gumapang.

"Go Dion my love, kaya mo iyan haha!" Wika ni Joan.

"Isipin mo na lang bro si Joan yung sahig! Hehe!" Wika naman ni Ethan.

"Ako talaga? Haha! Mga isip niyo talaga!" Wika ni Joan sabay tapik sa braso ni Ethan.

"Para sayo my love!" Sigaw ni Dion at naghiyawan naman ang lahat.

Makalipas ang dalawan minuto ay narating na ni Dion ang kusina at ngayon ay pabalik na siya habang kinakain yung mansanas.

"Isipin mo na lang na si Joan ang kinakagat mo haha!" Dugtong ni Ethan.

"Loko, magtigil ka nga!" Wika ni Joan habang todo soporta sa pagchicheer kay Dion.

Nakabalik si Dion sa kaniyang pwesto at nagawa naman niya ng maayos yung dare.

"Nakakapagod!" Reklamo ni Dion na sobrang pawis na pawis.

"Lumapit ka nga rito sa akin dali!" Wika ni Joan at naglabas ng bimpo.

Nang makalapit si Dion sa kaniya ay pinunasan niya ang pawisang mukha ng binata.

"Yah! Ang sweet niyo!" Wika ni Agatha na para bang naiinggit.

"Hehe, sobrang maalaga lang talaga ng my love ko." Wika ni Dion at naupo na sa kaniyang pwesto.

Sinimulan na niyang paikutin ang bote at ito naman ay huminto sa tapat ni Mia.

"Mia, gusto mo ba ng kontrobersyal na tanong o kakaibang hamon?" Tanong ni Dion.

"Gusto ko sana ang kakaibang hamon kaso naintriga naman ako sa kontrobersyal na tanong na iyan kaya Truth." Wika ni Mia ng walang pag-aalinlangan.

"Letter?" Dugtong ni Dion.

"Letter J. Like me, jolly!" Wika nito.

"Speaking of jolly, your word is, JOKER. Sino ang kengkoy na iyong kasama noong isang araw sa mall magdamag?" Tanong nito.

"Hala, sino kaya iyon sa tatlong ito? Si Adrian, Kian o Jerome?" Tanong ni Mae.

"Kaloka ka Dion! Mabubuking pa tuloy ang sikreto ko." Wika ni Mia sabay lagay ng buhok paharap para si Sadako.

"Sabi ko sayo eh, maging maingat sa pagpili." Wika nito habang nakangiti.

"Okay, aamin na ako. Si Jerome ang kasama ko sa mall magdamag noon pero wala kaming relasyon. Ako lang ang may gusto sa kaniya at wala siyang gusto sa akin. Nililinaw ko na habang maaga hehe!" Wika ni Mia na todo sa pagpapaliwanag.

"Kay gwapo naman pala ni Pareng Jerome! Habulin ng chicks!" Sigaw ni Karlo.

"Oy, sila ang nagkakandarapa sa akin dahil sa taglay kong kagwapuhan." Wika nito ala Jose Manalo.

"Ang hangin po! Haha!" Sigaw naman ni Tin at nagtawanan ang lahat.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon