Chapter 26

206K 5.2K 1K
                                    

Sa pagpunta nina Kian, Tom, Mark at Karlo sa bangkay ng dalawa, inuna na nila ang kay Abi.

"Oh shit pare! Ang kinis nga talaga ng balat ni Abi!" Bungad ni Karlo pagkabukas nila ng silid na kinalalagyan nito. Tanging kumot lang ang ginamit kanina ng mga babae upang balutin ang katawan ng dalaga.

"Oy tol, huwag mo ng pagnasahan si Abi. Kita mo ng wala na yung tao oh!" Wika ni Mark na naunang pumasok sa loob.

"Oo nga! Tsaka kamamatay lang din ni Mae hindi ka man lang magpatinag." Wika naman ni Kian na kasunod ni Mark.

Naupo muna silang apat sa may kama at nagkwentuhan.

"Mga tol, sino sa tingin niyo ang gumawa nito kay Abi?" Tanong ni Tom habang nakahiga at nakatitig sa labas ng bintana.

"Wala akong ideya, at isa pa, mahirap ng maghinala sa mga oras na ito." Wika ni Mark habang nakadungaw sa bintana.

"Anong ibig mong sabihin na sa mga oras na ito?" Tanong ni Kian habang ineexamine ang bangkay ni Abi.

"Malay niyo, isa pala sa atin ang killer diba? Mahirap na, gusto ko pang mabuhay at maamin sa kaniya ang aking tunay na nararandaman." Wika nito habang patuloy na natitig sa langit.

"Pare, huwag ka na kasing magpakatorpe." Pagtapik ni Karlo sa kaniyang balikat.

"Kung ako sayo, habang maaga pa ay aamin na ako lalp na't alam kong may kakumpitensiya ako." Dagdag pa niya.

"Oo nga naman, kilala mo naman si Ethan. Paano kapag naakit sa kaniya si Roxette? Ade magmumukmok ka na lang diyan sa sulok?" Dagdag pa ni Tom habang nakapikit.

"Tama kayo. Pero hahanap muna ako ng tamang tiyempo at palalakasin ko muna yung loob ko. Ewan ko ba! Hindi naman ako ganito sa mga babaeng nagkagusto ako o minahal ko. Tanging siya lamang ang nakakagawa upang magkaganito ako." Wika ni Mark sabay buntong-hininga.

"Eh kailan ka pa aamin niyan? At paano kung siya na ang isunod ng killer?" Wika ni Kian na nagpabilis sa kaba ng binata.

"Huwag naman sana pare." Aniya.

"Baka naman kapag patay na siya tsaka ka umamin. Haha!" Biro ni Tom.

"Sana hindi pa huli ang lahat kapag umamin na ako sa kaniya." Ang tangi niyang nasambit.

"Ahhhh!" Narinig nila ang hiyawan ng mga kasama sa baba at nagmamadaling nagsipanikan at nagsibalikan sa kanilang mga kwarto. Wari mong sila'y nagtatakutan.

"Mga loko talaga! Takutin ba naman ang mga sarili? Haha!" Wika ni Kian ng makitang natataranta sa takot ang mga ito.

"Tara dalhin na natin yung bangkay ni Abi sa dapat nitong paglagyan." Wika ni Tom at tumayo na sa pagkakahiga.

Nagtulong-tulong silang dalhin ang bangkay ng dalaga sa dapat nitong paglagyan at sunod na tinungo ang bangkay ni Ramil.

"Ano sa tingin niyo mga pare at nakabigti itong si Ramil? Kagagawan kaya ito ng killer o nagpatiwakal siya mag-isa?" Tanong ni Tom habang tinatanggal ang lubid na nakatali sa leeg nito.

"Pwede both? Hehe.. malay niyo tinangka niya talagang magpatiwakal kaso noong mapagtanto niya na mali pala ang kaniyang gagawin ay binalak niyang huwag na lamang itong ituloy kaso nadatnan siya ng killer at dahil doon, tinuluyan na siya ng killer." Pagpapaliwanag ni Karlo.

"Bakit naman kaya siya magpapatiwakal kung sakali man?" Dugtong ni Tom.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Bilisan mo na lang diyan para makapagpahinga na tayo." Angal ni Karlo na nakaupo sa may kama.

"Siguro ay nakukunsensiya siya sa ginawa niya kay Abi." Wika ni Mark na katabi ni Karlo.

"Bakit naman si Ramil ang hinala mo sa pagkamatay ni Abi?" Aniya.

"Kasi, ang dami niyang kalmot diyan sa braso niya. Malamang, nanlaban si Abi." Paliwanag nito.

"Eh hayop naman pala itong gagong ito eh! Dapat lang sa kaniyang mamatay!" Wika ni Kian na naging malapit din kay Abi.

"Oh ayan, okay na! Dalhin na natin doon para makapagpahinga na tayo." Wika ni Tom habang pinupunasan ang mga pawis na tumatagaktak sa kaniya mukha.

Inangat ni Tom ang bangkay ni Ramil at biglang nalaglag ang cellphone nito mula sa kaniya bulsa. Dinampot ito kaagad ni Karlo.

"Aba, maganda pala cp niya. Malay natin may mga video siya na maaaring pakinabanggan? Haha! Matingnan nga!" Wika ni Karlo habang kinakalikot ito.

"Basta sa mga ganoong bagay Karlo napakasigla mo haha!" Biro ni Mark.

Ibinaba muna nila ang katawan ni Ramil sa sahig at nagkumpulan sa may kama.

Nang buksan ito ni Karlo, nanghinayang lang sila dahil may password ito kaya ibinulsa na lamang iyon ni Karlo at nagbanakasakali na mayroong nakakaalam ng password nito.

"Wait lang mga pre, pahinga muna tayo ng 5 minutes hehe." Wika ni Tom na pagod na pagod.

Sinang-ayunan naman siya ng lahat.

"Nakita niyo ba yung babaeng nakaputi at babaeng nakaitim kanina?" Pagbubukas ng topic ni Kian.

"Ah iyon ba? Oo! Hindi lang ako sigurado kung multo ba talaga ang mga iyon o gawa-gawa lang ng isa sa atin." Wika ni Karlo.

"Pero aminin ko, kinikilabutan ako kanina. As in, lahat ng balahibong dapat tumayo ay tumayo na." Wika ni Mark.

"Ako rin, masasabi ko kasing multo iyon kasi aaminin ko sa inyo, nakakakita ako ng multo kaya sure akong multo iyon!" Wika ni Tom.

"Huwag na nga natin pag-usapan yung multo na iyan. Change topic nga." Ani ni Karlo.

Biglang napadako ang tingin ni Mark sa letrang nakasulat sa noo ni Ramil. Letter S.

"Rape and Suicide." Wika nito at napatingin sa kaniya bigla ang kaniyang mga kasama.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kian.

"And death word nina Abi at Ramil ay Rape and Suicide." Aniya.

"Kayo ba, handa na ba kayong harapin ang napipintong oras ng inyong kamatayan?" Tanong ni Mark.

"Hindi pa!" Ani nilang tatlo.

"Dalawang araw pa lang tayo rito pero apat na ang namamatay sa mga kasama natin. Ano kaya ang motibo ng killer at iniisa-isa niya tayo?" Wika niya.

"Tama na iyan. Dalhin na natin yung bangkay ni Ramil doon." Pagbasag ni Karlo at dinala na nga nila ang bangkay nito sa dapat nitong paglagyan.

Nang mailagay na nila ang bangkay ni Ramil sa tabi ng bangkay ng tatlo ay may biglang pumasok na ideya sa isip ni Mark.

"O, F, R, S. Hindi kaya, may mensaheng nais iparating sa amin ang killer?" Tanong niya sa kaniyang sarili.

"Oy Mark, magpapaiwan ka ba diyan? Tara na!" Wika ni Kian habang hinihintay siyang makalabas ng tatlo doon sa may pintuan.

"Oo ayan na!" Wika niya at tuluyan ng nilisan ang lugar na iyon.

"Malalaman ko rin ang kasagutan sa aking katanungan."

Killer's POV

Hahaha! 4 down! 21 na lang kaming natitira rito. Mukhang mas mgiging exciting pa ang mga susunod na mangyayari hihi!

Ano kaya kung mas brutalan ko pa ang kamatayang igagawad ko sa kanila? Hhmm, mukhang mas masaya nga haha!

Ikaw na ang sunod! Babaeng matabil ang dila haha!

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon