Chapter 9

273K 6.8K 916
                                    

Nagsimula ng maglaro ang magkakaklase at sinimulan ng paikutin ni Agatha ang bote sa gitna.

Halos lahat ay kinakabahan sa pag-ikot ng bote. Unti-unti na itong humihinto at ito ay tumapat kay Adrian.

"Oh paano ba iyan Adrian? Truth or Dare?" Tanong ni Agatha.

"At dahil ako ang unang nasalang, Truth na lang muna hehe!" Wika nito na para bang kinakabahan sa itatanong sa kaniya ni Agatha.

"Bago ko ibigay ang aking tanong, ano nga pala yung letter na nabunot mo?" Tanong nito.

"Letter F! Easy lang Agatha haha!" Wika nito.

"Your word is FIRST KISS. Sino ang First Kiss mo dito sa bilog na kinabibilangan mo?" Tanong ni Agatha sabay ngiti kay Adrian.

"Kung iyan lang ang pag-uusapan, siguro panahon na para malaman niyo kung sino ang nag-iisang taong mahal ko." Panimula nito.

"Sabihin mo na! Huwag ka ng magpaliguy-ligoy pa!" Wika ni Aaron na sabik na malaman kung sino nga ba ang first kiss ng kengkoy na binata.

"Excited masyado? Haha! Okay sige, panahon na para malaman niyokung sino siya, at siya ay si..." Wika nito na wari mo'y nag-iisip pa ng malalim.

"Ano ba iyan, pabitin pa? Sino nga kasi!" Sigaw ni Grace.

"Ang babaeng kabangayan ko lagi. Sino pa ba? Kundi si Ms. Arianne Tiongson." Wika nito at nagsigawan ang lahat habang nakabilog.

Magkatapat sina Adrian at Arianne at kita mo sa bakas ng mukha ni Arianne na namumula ito sa kilig at hiya dulot ng panunukso ng kaniyang mga kaklase.

Hindi makapaniwala ang lahat na magkakadevelopan ang dalawa dahil para silang aso't pusa kung magbangayan kaya hindi nila inakala na mayroong mamumuo sa pagitan ng dalawa.

"Ayie! Hindi ko akalainArianne na magkakadevelopan kayo ni Adrian!" Wika ni Roxette sabay palo sa braso nito dulot ng kilig.

"Kapag niligawan ka Arianne ni Adrian, sagutin mo na agad-agad! Huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa! Karakaraka!" Wika ni Ginny.

Natuod sa pagkakaupo si Arianne dahil hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Tila ba nababalutan siya ng hiya ngayon.

"Paano mo nga pala nahalikan si Arianne Adrian?" Tanong ni Henry.

"Kailangan ko rin bang sagutin iyan?" Tanong ni Adrian.

"Oo kailangan, bawal ang KJ hehe!" Sagot ni Agatha.

"Hinalikan ko siya sa lips noon kasi ang ingay niya. Ang paghalik lang sa kaniyang labi ang naisip kong paraan para patigilin yung bunganga niya sa pagdakdak." Kwento ni Adrian.

"Akala mo naman nagustuhan ko iyon? Hindi noh!" Singit ni Arianne.

"Weh, di daw? Sinunggaban mo nga ako kaagad pagkalayo ng labi ko sa labi mo eh!" Kwento ni Adrian.

"Ayiee! May pagnanasa si Arianne kay Adrian. Haha!" Wika ni Nikka.

"Hindi naman kaya! Loko ka!" Wika ni Arianne.

"Oh tama na iyan, next spin na tayo guys! Adrian, paikutin mo na!" Wika ni Agatha sabay abot ng bote rito.

Si Adrian naman ang nagspin ng bottle ngayon at ito ay tumapat kay Mae.

"Ano Mae? Truth or Dare?" Tanong ni Adrian.

"Dare na lang para mas masaya! Haha!" Wika ni Mae na wagas pa kung makatawa.

"Ang dahil may pagkaboyish ka at hindi kami sigurado kung tomboy ka ba o hindi, ang letrang pinanghahawakan mo ay?" Tanong ni Adrian.

"Letter O! Huwag mong hihirapan ah? Kundi sapak aabutin mo sa akin!" Wika ni Mae na nanakot pa.

"Ang naisip kong word ay OPERATION! Kaya ang gagawin mo ay OPERATION, Seduce Karlo! Haha! Galingan mo ah? Tingnan natin kung maaakit mo ang pinakamahangin sa ating lahat haha!" Wika ni Adrian na tawa nang tawa.

"Gusto ko iyan! Sige nga Mae! Seduce me if you can!" Pang-aakit ni Karlo.

"Iyan ba ang gusto mo? Sige, sisiguraduhin kong mag-iinit ka sa gagawin ko!" Wika niya at nilapitan si Karlo.

Nilapitan ni Mae si Karlo sa kinauupuan nito at hinila niya ito sa kwelyo patungo sa gitna ng bilog.

Ngayon, silang dalawa ay nasa gitna na ng bilog para gawin na ni Mae ang kaniyang Dare.

Excited ang lahat na makita kung paano aakitin ni Mae si Karlo dahil alam nga ng lahat na boyish ito at walang alam sa pang-aakit ng lalaki.

Hinagod ni Mae ang likod ng binata habang naglalakad ito papaharap. Maganda si Mae, kahit sino ay matetemp kapag inakit niya kaso nga lang masyado siyang maton kung gumalaw pero makikita mo pa rin naman ang pagiging girly niya minsan.

Inilapit ni Mae ang kaniyang mukha sa mukha ng binata na ikinagulat ng lahat. Halos maghalikan na ang dalawa dahil isang pulgada na lang ang pagitan nilang dalawa.

Inilagay ni Mae ang kaniyang hintuturo sa labi ng binata matapos siyang tangkaing halikan nito. Inilayo niya ang kaniyang mukha sa binata at nginitian bago bumalik sa kaniyang upuan.

"Grabe, napaka-intense ng eksenang iyon!" Wika ni Ethan.

"Oo nga, halos madala na ako! Akala ko naman may mangyayaring halikan dito sa harapan natin haha!" Wika ni Ramil.

"Wow, inaamin ko, sa paghagod mo pa lang, binuhay mo na ang alaga ko." Wika ni Karlo na ngayo'y parang tinamaan na kay Mae tsaka bumalik sa kaniyang upuan.

"Aba pare, nabuhay pala ni Mae ang jun jun mo! Haha!" Wika ni Jake.

"Taglibog ba kamo? Iyan, si Karlo ang experto kapag iyan na ang pinag-uusapan." Wika naman ni Jerome.

"Gago! Itikom niyo nga ang mga bibig niyo!" Wika ni Karlo.

Nakangiti lang sa kinauupuan niya si Mae dahil naakit niya ang binata gamit ang kaniyang karisma.

"Ok ok, pwede na! Oh let's say na bagay kayo! Haha!" Wika ni Adrian na inaalaska ang dalawa.

"Pustahan pare, pagkatapos nito ay popormahan na ni Karlo si Mae haha!" Wika Kian.

"Tingnan natin, haha!" Wika ni Tom sa may gilid.

Nagsimula na si Mae na paikutin ang bottle at ito ay tumapat naman ngayon kay Josh.

"Oh paano ba iyan Josh? Ikaw naman, Truth or Dare?" Tanong ni Mae rito.

"Ako ba maduduwag? Hindi noh! Sige, Dare!" Buong loob na iwinika ni Josh.

"Bago ang lahat, ang iyong letter ay?" Tanong nito.

"Letter T! As in taba! Haha!" Wika nito.

Si Josh kasi ay medyo chubby pero habulin pa rin ng mga babae.

"Ang word ko sayo ay TICKLE! Kilitiin mo si Mia gamit ang iyong dila." Wika ni Mae.

"Ayun lang ba? Hay, napaka-easy naman! Alam na alam ko kung saan ang kilitiniyan eh." Wika ni Josh at hinila si Mia sa gitna ng bilog.

Dinilaan ni Josh ang leeg ni Mia na karaniwang may kiliti ang mga babae.

"Bakit ba sa leeg pa Josh? Pwede namang sa tungki ng aking ilong ah!" Pagrereklamo ni Mia.

"Aba, hinihirit pa si Mia! Nabitin yata haha!" Wika ni Xiara.

"Its obvious naman diba? Mia has a Crush on Josh kaya she wants it na ulitin ni Josh ang Dare niya." Wika naman ni Tin.

"Oy, ang dudumi ng isip niyo! Kaibigan lang ang turingan namin ni Josh noh." Paliwanag ni Mia.

"Feeling ko tuloy para tayo living young, wild and free!" Singit ni Abi.

"Oo nga, kasi nagagawa natin kung ano man ang gustuhin nating gawin." Dugtong naman ni Hannah.

"Oh, next spin na guys! Be excited kapag kayo ang natapatan ng bottle! Haha!" Wika ni Agatha at ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalaro.

Alphabet of Death (Published)Where stories live. Discover now