Chapter 65

166K 4K 971
                                    

Ginny's POV

"Miss me?" Bungad niya habang hinihimas ang pisngi ni Karlo.

Napatigagal ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ako'y naghuhurumintado, dapat na ba akong tumakbo?

"Batid kong nagulat ka sa iyong nasaksihan. Hindi makapaniwala sa iyong nadatnan. Huwag ka munang matakot ni mag-alinlangan, na miss kita oh aking kaibigan." Panunuya nito habang umiikot-ikot ang pinaglalaruan niyang ulo.

Hindi talaga ako makapaniwala na magagawa niya ito. Nanginginig ang tuhod ko na para bang kabado. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko, tao lang din siya na nasa harapan ko.

Nakatayo lang ako sa may pintuan. Nanginginig na nga ako at kinakabahan. Binagabag niya lalo ang aking isipan, ngayong alam ko na ang katotohanan.

"Paano mo nagagawa ito Xiara? Halang na ba talaga ang iyong bituka? Karumal-dumal pa ang pagpatay na ginagawa mo sa mga kaklase natin na parang wala lang sayo!" Sigaw ko habang pinupunasan ang pawis na tumatagaktak sa aking mukha.

"My dear ex-bestfriend, nasaktan ako. Sinaktan niyo ako! Inalipusta niyo! At higit sa lahat, nagsuffer ako dahil sa katakaan niyo!" Sigaw niya habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. Para bang may itim na aura na umaaligid sa kaniya.

Nanlaki rin ang mga mata ko! Totoo ba itong nakikita ko? May babaeng nakaupo sa tabi niya? Baka namamalik-mata lang ako? Isang babae na mapula ang mata na nanggagalaiti ba sa galit. Nakakuyom ang kaniyang kamao at sa tingin ko, nakatitig siya sa akin.

Tumaas bigla ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Napako na ako sa aking kinatitirikan. Ang mga bintana'y biglang nagsubukasan. Kasabay nito, ang pag-ihip ng napakalamig na hangin sa aming kinalulugdan.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot na ako! May multo pang ginagambala ang isipan ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi ko siya makita. Kahindik-hindik talaga ang kaniyang itsura at kikilabutan ka talaga.

Habang nakapikit ako. Gumaan bigla yung mabigat na enerhiya sa harapan ko. Lakit gulat ko ng maramdaman ko naman ito sa aking likuran. Malamig na hangin ang dumampi sa aking batok. Huwag naman sana! Pero mukhang ako'y huli na.

"Ikaw na ang sunod! Humanda ka! Hahaha!" Bulong nito sa akin. Nakakatakot ang boses niya. Malamig na para bang hinukay sa kailaliman ng lupa.

Niyapos niya ako ng mahigpit. Hindi ko na maigalaw ang kahit anong parte ng aking katawan. Nakakasulasok pa ang kaniyang amoy. At para bang hinihigop niya ang aking enerhiya.

"Kamatayan sayo'y naghihintay. Huwag ka na sanang maging pasaway. Sa aking aklat kaluluwa mo'y ialay, hanggang sa bawian ka ng buhay." Sambit niya na nagpabilis pa lalo sa tibok ng aking puso. Dahil sa kaniyang tinuran, hindi ako nagkakamali na siya nga ang may-ari ng librong hawak ko. Siya si Helga!

"Ang liwanag ay hindi kailanman magpapasakop sa kadiliman! Kaya ako'y iyong lubayan. Isipan ko'y aking bubuksan, upang hindi mo ako mabulag sa katotohanan!" Sigaw ko at biglang nagliwanag ang langit. Isang dalagang nakaputi ang bumaba mula rito. Si Ethel! Ang classmate namin. Siya ang white lady!

Nilukob niya si Helga sa likuran ko at ilang sandali lang, silang dalawa'y biglang naglaho.

Bumagsak ako bigla sa sahig at tila ba naghahabol ng hininga. Parang sinipsip niya ang aking enerhiya upang ako'y manghina.

"Hindi pa tapos ang laban Ginny. Nandyan lang si Helga sa tabi-tabi. Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan? O nais mo munang magluksa dito sa harapan? Haha!" Sambit niya sabay hagis sa akin ng pugot na ulo ni Karlo. Syempre natakot ako kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon