Chapter 28

221K 5.1K 1.3K
                                    

Joan's POV

Good Morning sa inyo! Aba, ang aga ko yatang nagising ngayon! Idagdag mo pa ang pagiging masigla ko! Oh diba, pak! Wiggle it! Haha!

Nakakahiya mang aminin pero ako talaga ang tinaguriang Chismosa ng Sambayanan. Ewan ko ba, tuwang-tuwa ako lalo na kapag nakakapanlait ng tao haha! Ang sama ko noh? Pwes, normal lang iyon! Haha!

Sa pang-araw-araw ba naman ng iyong buhay ay hindi ka makakagawa ng kasalanan? Syempre, sinners tayong lahat.

Medyo malakas ang signal ko basta kapangitan ng isang tao ang pag-uusapan. Oo na, wagas na ako kung makapanglait kahit hindi naman ako masyadong maganda, atleast, sexy na, cute pa! Haha!

Wala akong magawa ngayon dito sa balkonahe kaya hayaan niyo muna akong magkuwento ng mga kalokohan kong ginagawa noon hehe..

Naalala ko noong third year high school ako, mayroon akong nakaaway. Babae malamang. Binibiro ko lang naman siya eh.

Sa totoo niyan, siya ang pinakapanget kong kaklase noon. Minsan, nanghihingi ako ng papel, yung one whole kasi nga may quiz kami. Eh ayaw ba naman akong bigyan, ayun! Sinabihan ko ng...

"Kahit kailan talaga eh napakapakla mo!" Wika ko habang ipinagduduldulan ang salitang iyon sa kaniyang pagmumukha. Oo wagas nga ako makalait dahil dinaig niya pa si Chakadoll sa sobrang kapangitan niya.

Ayun, umiyak at na-office ako haha! Kurat eh sensya na! Hehe!

Eto may ikukwento naman akong katangahan ko haha! Ako kasi, hindi mahilig sa mga gulay. Hindi ko alam ang mga iyon kaya minsan, inutusan ako ng Lola ko na bumili ng celery sa palengke...

"Manang, pabili nga po ako ng Celery!" Wika ko sa tindera.

"Sige Ineng, kumuha ka na riyan." Wika nito habang inaasikaso ang ibang mamimili."

"Okay po!" Masigla kong wika at dumampot ng gulay malapit sa akin.

Pagkauwi ko ng bahay noon...

"La, eto na yung Celery na pinabili ko." Wika ko sabay abot ng supot na hawak ko.

"Ang tanga mo namang bata ka! Ang sabi ko Celery ang bilhin mo hindi Patatas!" Wika ni Lola habang tumatalsik pa ang laway sa sobrang kapootan kaya dahil sa hiya ko ay nagtatakbo ako palayo.

Haha, ang tanga ko talaga pagdating sa gulay hanggang ngayon. Tama na nga ang kwento! Haha!

Nakakatamad naman! Wala akong magawa ngayong ang aga kong nagising. Makapanuod na nga lang sa sala.

Dali-dali akong tinahak ang hagdan pababa. Hindi ko napansin na papaakyat si Karlo kaya nabunggo ko siya at nabitawan niya ang hawak niyang cellphone.

"Ay potek naman oh! Baka masira pa ito sa sobrang katangahan ko!" Wika niya at napasabunot na lamang siya sa kaniyang buhok.

Anong nangyari dito? Cellphone lang gumaganon na kaagad? Tinanga pa ang sarili? Haha! Sabagay, tanga naman siya talaga haha!

"Paano na namin malalaman kung sino ang killer? Hindi ka kasi nag-iingat Karlo eh!" Paninisi niya sa kaniyang sarili at dinampot niya ito.

Huh? Hindi ko siya maintindihan. Ano naman kaya ang kinalaman ng killer doon sa cellphone?

"Anong ibig mong sabihin? Paano natin malalaman kung sino ang killer sa pamamagitan ng cellphone na iyan?" Wika ko na may halong pagtataka. Hindi ba niya napapansin na nandito pa ako? Ano ako, multo? Haha! Ang cute ko naman palang multo hehe.

"Sige sasabihin ko sayo ah? Pero huwag mong ipagkakalat muna okay?" Wika niya sabay pamulsa ng cellphone na hawak niya.

"Yung cellphone na ito ay kay Ramil at ni-record niya ang pag-uusap nila ng killer. Once na mai-charge ko ito, tiyak na matitigil na ang kahibangan ng killer at hindi na tayo mababalisa pang muli." Pabulong na wika niya sa akin.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon