Chapter 59

143K 3.9K 481
                                    

Arianne's POV

Nasaan ka ba Roxette? Bakit hindi ka namin makita? Ikaw ba talaga ang killer? O biktima ka lang din? Jusko, huwag naman sanang mapahamak ang kaibigan ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin namin nakikita si Roxette. Nag-aalala na kami sa kaniya na baka pinadala na siya ng killer sa kabilang buhay. Huwag naman sana. Hindi rin ako naniniwala na siya ang killer. Malabong gawin niyang ang mga karumal-dumal na pagpatay sa mga kaklase namin. Isa pa, kilalang-kilala ko siya.

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kaya nila pinaghihinalaan na si Roxette ang killer? Mayroon ba siyang kakaibang ikinikilos this past few days? Mayroon ba akong hindi alam sa aking kaibigan? May inililihim ba siya sa akin?

Ang daming tanong na bumabagabag sa aking isipan. Minsan tuloy, nagdududa na rin ako sa kaniya dahil sa sinasabi ng iba. Pero kaibigan niya ako! Dapat ako ang maniwala sa kaniya! Dapat ipagtanggol ko siya at sabihing hindi siya ang killer.

Dulot na rin ng pagod, naisipan kong magpahinga na lang muna. Masakit na ang aking ulo sa kakaisip. Kaya, tinungo ko kaagad ang aming silid at ako'y namahinga.

"Tulong! Tulungan mo ako!" Pagsusumamo ng isang babae sa isang sulok na nababalutan ng kadiliman. Nakakaawa ang itsura niya. Para siyang inabuso.

Dulot ng awa, unti-unti ko siyang nilapitan. Nakalugmok siya sa sahig at nakasubsob sa semento ang kaniyang mukha. Tanging itim na damit ang nangingibabaw sa pagdadalamhati niya.

"Miss, okay ka lang ba? Ano bang maipaglilingkod ko sayo para matulungan kita?" Pahayag ko sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likod.

Biglang siyang tumigil sa pag-iyak. Tanging paghikbi na lamang ang maririnig mo sa kaniya. Unti-unti niyang iangat ang kaniyang mukha. Nang magtagpo ang aming mga mukha, ako'y biglang nabagabag.

Ang kaniyang mata ay nanlilisik na para bang puno ng hinanakit at galit. Imbes na luha ang dumadaloy sa kaniyang mukha, malapot na dugo na may kakaibang samyo ang lumalabas sa kaniyang mukha. Biglang tumaas ang balahibo ko dulot ng takot at kaba. Napatigagal ako sa kaniyang harapan at hindi makapagsalita. Mas lalong umigting ang aking pangambang nararamdaman nang bigla siyang ngumiti na parang may kakaiba siyang binabalak.

Bumilis ang tibok ng aking puso ng bigla niya akong hawakan sa aking balikat. Nais kong magpumiglas ngunit para napasailalim ako sa kapangyarihan niya. Nang mapadako ang aking tingin sa kaniyang leeg, higit akong nawindang. Para bang nais ng kumawala ng aking kaluluwa sa aking katawan. Ang leeg niya ay may nakapalupot na lubid. Wari mo'y nagpatiwakal siya.

Halos kapusin ako ng hininga matapos dumako ng kaniyang mga kamay sa aking leeg. Pilit niya akong sinasakal.

"Mamamatay ka! Mamamatay kayong lahat! Haha!" Sambit niya habang unti-unti niyang binabawi ang aking buhay.

Nauyot ako sa pagkakasakal niya sa akin kaya napahawak akong bigla sa kaniyang braso. Bigla na lang may nagflashback sa aking isipan patungkol sa kaniya. The black lady.

"Anak ng mangkukulam! Haha!"

"Ang panget-panget mo! Mukha kang bruha! Haha!"

"Kung kami ay barbie doll, ikaw ay voodoo doll! Haha!"

Puro pangungutya ang tinatamasa ng babaeng nakaitim sa pinapasukan niyang paaralan. Ni isang kaibigan ay wala siya. Hindi niya magawang lumaban sapagkat isa lang siya, marami sila.

"Hindi ako anak ng mangkukulam! Napakasama niyo talaga! Hindi niyo na ako nirespeto bilang tao! Mga walang puso!" Sigaw niya sa mga kaklase niya sa loob ng kanilang silid-aralan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon