Chapter 6

318K 7.3K 1.3K
                                    

Ngayon na ang araw ng kanilang Outing at ang kanilang usapan ay magkikita-kita sa main gate ng kanilang paaralan.

"Ano ba iyan? Sinabi ng 7am dapat nandito na tayo sa school para bago maglunch ay makarating na tayo sa Beach Resort namin eh!" Pagalit na wika ni Ginny habang nakaupo sa tabi ng kanilang driver.

Si Ginny ang nagprovide ng kanilang sasakyan. Dalawang van ang kanilang sasakyan. Si Ginny na ang nagprovide ng kanilang sasakyan upang hindi na maabala pa yung iba.

"Alam mo naman, Filipino Time! Tiyak na baka 8am pa magsidatingan yung iba." Sagot naman ni Arianne habang nakapameywang sa tapat ng main gate.

"Sorry guys were late!" Wika ni Xiara kasama sina Tin at Agatha.

"Hay naku, sabi na nga ba! Hindi ba sila excited?" Tanong ni Agatha habang inilalagay ang kaniyang mga bagahe sa loob ng sasakyan.

"Oh Ehm Gee! I'm gonna die! Napaka-init kaya! They're so bagal talaga!" Dagdag ni Tin sabay bukas ng kaniyang royale umbrella.

"Huwag ganun! Baka ma-miss kita, kapag namatay ka kaagad." Singit ni Aaron na todo japorms pa talaga.

"Sarreh! Where not even close kaya!" Wika nito sabay irap sa ere.

"Oh tama na iyan, baka kayo pa ang magkatuluyan!" Singit ni Dion sa gitna ng dalawa.

"Yeah right! Basta ako, masaya sa piling ng mahal ko." Wika ni Joan sabay dantay sa braso ng kaniyang nobyo.

"Kinilig naman ako roon mahal!" Wika ni Dion na wari mo'y nahihiya.

"Oi oi oi! Ang korny niyong dalawa!" Putol ni Jerome sa sweetness ng dalawa.

"Inggit ka lang! Bakit kasi hindi ka maghanap ng girlfriend mo?" Sambit ni Dion sabay tingin kay Nikka.

"Oh bakit ka sa akin nakatingin Dion?" Tanong ni Nikka habang nakasandal sa sasakyan.

"Wala! Haha!" Pangbubuska nito.

"Huwag kang ganiyan, baka magselos si Grace hehe!" Biro ni Nikka.

"Speaking of Grace, here she is." Bulong ni Hannah.

"At bakit parang narinig ko yung pangalan ko aber?" Wika ni Grace na may bitbit na mansanas.

"Ah wala yun, baka guni-guni mo lang!" Wika ni Joan.

"Si Mansanas Girl talaga! Ang aga-aga ang init ng ulo." Wika ni Adrian sabay akbay dito.

"Eh paano ba naman, muntik ng hindi pasamahin ni Tita dahil nasunog niya ang almusal na niluluto kanina." Paliwanag ni Mae na nakaside cap na naman.

"This wounds wont seems to heal, this pain is just to real." Pamungad na kanta ni Abi.

"My Immortal! Haha!" Singit ni Mia.

"Mukhang may namumuong tensyon dito ah! Sino kaya mananalo at makakasungkit ng pihikang puso ng payaso natin?" Wika ni Josh at nagtawanan ang lahat ng nandun.

"Sino nga ba pare ang pipiliin mo kung sakali man?" Bungad ni Kian na kadarating lang.

"Wala, ligawanan muna nila ako bago ko sila sagutin haha!" Wika ni Jerome habang tinutuya yung dalawa.

"Astig iyan pre! Babae na ang manliligaw ngayon!" Singit ni Jake.

"Oo pare, dapat babae naman ang nanliligaw sa panahon ngayon, lagi na lang kasi tayong mga lalaki ang nahihirapan." Wika niya ala Jose Manalo.

"Mahirap din kaya maging babae!" Dagdag ni Nikka.

"Lalo na kung torpe yung lalaki katulad ng isa diyan." Wika ni Grace na wari mo'y may pinatatamaan.

"Aray! Tinamaan ako roon!" Akting ni Jerome na para bang nasasaktan.

"Sorry guys, na-late kami si Mark kasi Dota pa raw ayan tuloy." Bungad ni Karlo na hindi magkanda-ugaga.

"Ako pa sinisi mo ngayon noh?" Wika ni Mark sabay lapag ng bag sa sahig na para bang hinabol sila ng isang daang aso sa sobrang pagtagaktak ng kanilang pawis.

"Oh, kumpleto na ba tayo?" Tanong ni Ginny.

"Wait, wala pa si Ethan." Wika ni Agatha.

"Uy, concern siya! Haha!" Pangungulit ni Joan dito.

"Syempre naman, mahal ko yun eh." Sagot niya.

"Mahal mo, pero may boyfriend ka na! Ano ito? Dalawa puso mo?" Tanong ni Joan ng pabalang.

"Sana nga, sana, dalawa ang puso ko." Bulong niya sa hangin.

"Paumanhin sa inyong lahat, tinanghali ako ng gising, napuyat ako kagabi eh." Sabi ni Roxette na nagkukumahog.

"Patawarin niyo na siya, ay kami pala, napuyat ko kagabi eh sensya na." Singit ni Ethan sabay akbay kay Roxette.

"Ayiiee!" Sigaw ng lahat.

"Mukhang nagkakadevelopan na kayo ah?" Wika ni Xiara.

"Boto ako sa inyo! Fan na ako ng loveteam niyo hihi!" Dagdag ni Arianne na kinikilig pa sa dulo bahagi ng van.

"Tse!" Wika ni Roxette. "Ethan, lubay-lubayan mo nga ako. Kay aga-aga sisirain mo yung mood ko." Wika ni Roxette sabay hampas sa braso ni Ethan.

"Sige, hayaan mong palamigin ko ang ulo mo." Wika ni Ethan sabay halik sa pisngi ng dalaga.

"Manyak!" Wika ni Roxette habang hinahabol ng palo si Ethan.

"Oh tama na nga yung lampungan na iyan, may nagseselos na rito sa tabi ko." Wika ni Mia habang nakatingin kay Agatha.

Tanging ngiti lang ang ipinakita ng dalaga kahit deep inside ay selos na selos na siya.

"Tara na guys, yung kalahati dito sa pulang van sasakay, tapos yung kalahati ay sa may puting van naman." Wika ni Ginny.

"So bale sa pulang van sasakay sina Arianne, Mia, Nikka, Tom, Karlo, Jerome, Grace, Kian, Hannah, Mae, Jake, Josh at Ako." Wika niya.

"Tapos sa puti naman sina Agatha, Ethan, Joan, Roxette, Mark, Henry, Adrian, Abi, Xiara, Tin, Ramil, Dion, at Aaron." Dagdag niya.

"Guys, kayo na bahala kung sino ang inyong makakatabi basta enjoy lang natin ang biyahe dahil mahaba-haba ito tiyak." Wika ni Ginny sabay sakay sa harap katabi ng driver's seat.

Pumasok na nga sila sa loob ng sasakyan at umupo sa lugar na ginusto nila.

Alphabet of Death (Published)Where stories live. Discover now