Chapter 38

186K 4.2K 874
                                    

Malamlam ang kalangitan. Tila nagbabadya ito na mayroong paparating na malakas na bagyo.

Ang mga puno sa kapaligiran ay para bang matatanggal sa kanilang katitirikan. Lumalangitngit din ang mga matatayog na kawayan. Tila nababalot na ng katahimikan ang kapaligiran.

Ang karagatan ay unti-unting bumabalong sa kalupaan. At para bang naghuhumindig ang mga alon na tila ba binabagabag sila ng kalangitan.

Ang bawat isa sa loob ng Mansion ay hindi mapakali dahil umaga na, hindi pa rin nila natatagpuan kung nasaan sina Grace at Josh.

"Hinalughok na natin ang buong bahay pero hindi pa rin natin sila natatagpuan." Wika ni Agatha habang nagtitipon silang lahat sa may sala.

"Hindi kaya..." Wika ni Roxette na nag-aalangang sabihin ang nilalaman ng kaniyang utak.

"Hindi kaya patay na sila?" Pagtutuloy ni Mark.

"No! Huwag naman sana." Wika ni Nikka habang nakasandig sa dibdib ni Jerome.

"Pero may posibilidad nga. Ngayon pa't hindi natin sila makita. Alangan namang pagtaguan nila tayo diba?" Ani ni Xiara.

"Tama siya, pero kailangan muna nating matagpuan ang mga bangkay nila kung sakali man." Ani ni Hannah.

"Sa ngayon, magpahinga muna tayo. Sino gustong magkape?" Wika ni Ethan.

Umayon ang lahat maliban kay Aaron. Hindi kasi ito mahilig magkape. Tubig lang ang iniinom niya tuwing umaga.

Naupo muna ang lahat maliban kay Aaron at Ethan na tinungo ang kusina.

Kumuha ng baso si Aaron at tinungo ang lugar kung nasaan ang refrigerator.

"Oh shit!" Wika niya ng binuksan niya ang ref at bumulaga sa kaniya ang dalawang tinidor na tinuhugan ng mata at nakahilig ito sa hawakan ng pitsel kaya naibalibag niya ulit pasara yung ref at siya'y napaupo sa sahig sa sobrang gulat.

"Anong nangyari sayo pare at namumutla ka?" Wika ni Ethan na nagtitimpla ng kape malapit sa kinaroroonan niya.

"May mata sa ref pare!" Sambit nito na tila ba naninigas sa kaniyang kinasadlakan.

"Pinaglololoko mo ba ako? Huh, may nangtitrip lang kaya ganun." Anito.

"Kung ayaw mong maniwala ade huwag! Tingnan mo kasi para malaman mo." Sambit niya sa kasama habang pinapagpag ang sarili.

"Okay!"

Nilapitan nga ni Ethan ang ref. Sa kaniyang pagbukas nito, nagulat din siya at hindi makapaniwala na totoo ang sinasabi ni Aaron at hindi ito nagbibiro. Napagpasyahan nilang ipaalam ito sa lahat.

"Guys, we have something to tell you. Huwag kayong mabibigla." Wika ni Ethan pagkarating nila sa sala habang nasa likuran niya ang dalawang kamay hawak ang dalawang tinidor na tinuhugan ng mata. Si Aaron naman ay bitbit-bitbit ang tray na naglalaman ng tasa ng kape.

"Spill it Ethan!" Pahayag ni Agatha.

"Ahhhh!" Tilian ng mga babae.

Ipinakita ni Ethan ang hawak na tinidor na ikinasindak ng lahat.

"Saan niyo natagpuan iyan pare?" Tanong ni Karlo.

"Sa may ref." Anito.

"Yuck! Eeewww! As in, Eewwwy talaga!" Wika ni Tin.

"Hindi na ako iinom ng kape at masusuka lang ako." Pahayag ni Mia sabay walk-out at umakyat sa taas.

"Tiyak na ang matang iyan ay kay Josh o Grace." Wika ni Jake.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon