Chapter 2

5.4K 162 133
                                    


Seulgi's POV

Maaga pa lang ay nasa labas na ako ng bahay. I think it's still 6:30 am pero nasa labas na ako at ready to go na. Nakaupo lang ako sa may side walk ng street namin habang inaantay na bumukas ang gate ng katabi naming bahay.

Naexcite naman ako ng makita kong bumukas ang pinto ng bahay. Agad akong tumayo ay pumunta sa gate ng bahay. Pagbukas ng gate ay agad ko siyang binati.

"Hi Crush!" Bati ko sa kanya

Inirapan naman niya ako pero di ko yun pinansin at nginitian lang siya.

"Kamusta tulog mo crush?" Nakangiti kong tanong sa kanya

Imbes na sagutin ako ay tinulak niya lang ako at nilagpasan. Napapout naman ako hinabol siya.

"Kumain ka na, Irene? Anong ulam niyo? Busog ka na? Natapo-----"

"SHUT UP! NAKAKABWISIT KA ALAM MO BA YUN?!"

Napatigil naman ako sa paglalakad at napatungo nalang. Aish! Bawas points, Kang!

"Seungwan!" Rinig kong sigaw ni Irene

Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong tumakbo siya palapit sa naglalakad na Yeri at Wendy sa kabilang side ng kalsada. Pagkalapit ni Irene kay Wendy ay agad siyang kumapit sa mga braso ni Wendy. Napatingin naman si Wendy at Yeri sakin.

"Oh, Seulgi? Halika! Sabay na tayo!" Aya nila sakin

Napatingin naman ako kay Irene na masamang nakatingin sakin na para bang sinasabihan ako na 'Wag kang sasama kundi papatayin kita.'

"Ah ano kasi----"

"Kkangseul! Ba't di mo ko inantay ha?! Kala ko ba lab mo ko?!"

Napapikit nalang ako habang ramdam na ramdam ko ang bigat ni Joy sa likod ko. Tngna ang bigat ng batang toh.

"Oh, Wendy? Hi! Una nalang kayo, sabay na kami netong si Kkangseul!" Nakangiting sabi ni Joy at sinenyasan sila Irene na mauna na

Nang makalayo na sila Irene ay saka lang bumaba mula sa pagkakasakay sa likod ko si Joy.

"Ang bigat mo!" Sigaw ko at inayos ang bag ko at uniform

"Di kaya! Tsaka hoy ba't ang sama ng tingin ng crush mo sayo? May ginawa ka nanaman noh?" Nang-aasar na tanong ni Joy at sinundot sundot pa ang pisngi ko


Pinalo ko naman ang kamay niya at bumusangot.

"Nabwisit ko siya." Sabi ko


Imbes na pagaanin ang loob ko at payuhan ay tumawa lang ang gaga. Tngna kaibigan ko ba talaga toh?

"Bawas points! HAHAHAHA! Kung pipili ka kasi ng crush yung katulad ko na namamansin at mabait! Di yung may crush na iba at di ka pinapansin!" Mayabang niyang sabi at nag hair flip pa


Hinarap ko naman siya at tinuro.

"Ikaw? Mabait sa mga nagkakacrush sayo? Eh di mo nga pinansin si Yerim kanina!" Sabi ko sa kanya

Nakita ko naman na napabusangot siya. Ganito kasi yun guys. Ako may crush ako kay Irene na may crush kay Wendy. Si Yeri naman may crush kay Joy na may crush kay Sungjae. Gets niyo? Tas si Joy di niya pinapansin si Yeri at kung makapagsabi siya na mabait sa mga nagkakacrush sa kanya ay parang ang bait niya kay Yeri eh hindi naman.

Hmm, maybe you're asking kung may nagkakacrush sakin right? Well, actually.....

/BUZZ/

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang nagtxt.

'From: Krystal

Hey, Crush?'

Napabuntong hininga naman ako. Yup, may nagkakacrush sakin. She's Krystal Jung, my bestfriend.

"SI SEULGI NANDITO NA!"

"KANG SEULGI!"

"POGI--- I MEAN GANDA NIYA TALAGA!"

For the second time sa araw na toh ay napabuntong hininga ako.

Di lang si Krystal ang nakakacrush sakin kundi halos LAHAT ng babae.

"Akalain mo yun? Ang campus crush ng school ay hindi pinapansin ng crush niya. Heol~" Rinig kong sabi ni Joy

Sinamaan ko naman siya ng tingin at agad binaling ang tingin ko kay Irene na parang lintang nakakapit kay Wendy.


Hey, Crush? Kelan mo ko papansinin?

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now