Chapter 15

3.6K 121 33
                                    


Seulgi's POV

Pauwi na ako ngayon pero di katulad noon, mag-isa lang ako ngayon. Si Wendy kasi sinundo ng driver ng papa niya dahil may family dinner sila. Si Irene naman tinakasan ako.

Habang naglalakad ay sinipa-sipa ko ang mga batong nasa daanan. May nakita naman akong malaking bato kaya sinipa ko ito ng malakas. Nagulat naman ako ng may biglang tumahol na aso. Pagtingin ko sa aso ay nakita ko ang batong sinipa ko na nasa paanan niya. Ang.....ang....ang laki ng aso....

Bigla itong tumakbo palapit sakin kaya tumakbo rin ako. Lord, heeeelp!

Nakatingin lang ako sa aso habang tumatakbo kaya di na ako nagukat ng may mabangga ako. Pagtingin ko sa nabangga ko ay nagpasalamat ako dahil si Irene pala nabangga ko. Agad akong nagtago sa likod niya at nakahawak sa bag niya.

"Ano ba Seulgi?!" Inis niyang sabi

Di ko siya sinagot at lalong nagtago sa likod niya dahil tumahol ulit ang aso.

"Y-yung a-aso.....p-paalisin mo. P-please?" Sabi ko

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.


"Aso lang yan, Kang. Oso ka at mas malaki ka sa kanya." Sabi niya

Ako lang o narinig kong tumawa siya?

"Eh? Kahit na! Baka mapatay pa ako niyan!" Sabi ko at nagtago ulit sa likod niya dahil tumahol ulit yung aso

Halos mapatalon naman ang puso ko ng bigla niya hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

/dug100x/

"Halika na nga." Sabi niya at nilagpasan ang aso habang hila-hila ang kamay ko

Nagpahila lang ako sa kanya habang nakatingin pa rin sa magkahawak namin na mga kamay. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at pagbilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad kami.

"Nandito na tayo. Pasok na ako." Rinig kong sabi niya

Napatingin naman ako sa harap namin at ngayon ko lang narealize na nasa tapat na kami ng bahay nila. Papasok na sana siya ng gate nila pero pinigilan ko siya.

"Thank you kanina." Sabi ko at ngumiti

Tumango lang siya at papasok na sana pero pinigilan ko ulit siya.

"Ano nanaman?" Inis niyang tanong

Tumingin naman ako sa magkahawak pa rin namin na kamay at pinisil ang kamay niya. Mukhang nagulat naman siya dahil hawak niya pa rin ang kamay ko. Mabilis niyang inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumalikod pero di nakatakas sakin ang pamumula ng pisngi niya.

"Alis ka na nga."

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now