Chapter 6

3.4K 128 34
                                    

Seulgi's POV

Break time namin at aalis na sana ako para kumain ng makita ko na nasa desk niya lang si Irene at tulog. Lalapit na sana ako ng bigla akong hinila ni Joy at Krystal palabas.

"Hoy anong gusto mo? Oorder na kami." Tanong ni Krystal

Umiling lang ako at ngumiti.

"Di ako gutom. And una na ako sa room ah?" Paalam ko sa kanila at agad umalis kahit di pa sila sumasagot

Malapit na ako sa pinto ng classroom namin ng mapansin ko ang nagkukumpulan na mga lalake at babae na students. Agad akong lumapit at sinilip ang loob ng classroom. Hmm, wala namang nagyayari. Bakit sila nandito?

At dahil curious ako ay tinanong ko ang isa sa mga babae dun.

"Excuse me, anong meron dito?" Tanong ko

Parang sisigawan sana ko ng babae pero pagkaharap niya sakin ay agad tumiklop ang bibig niya habang nalalaki ang mata niya.

"K-kang S-seulgi?" Tawag niya sakin

Parang narining naman ng iba ang sinabi niya at lumingon sakin kaya ngayon ay lahat sila nakatingin na sakin na parang nakakita ng multo. At sa isang iglap ay dinumog na nila ako. Lahat sila binigyan ako ng snack na parang isang taon akong di kumain dahil sa dami. Tinanggap ko naman ang lahat kahit di ako gutom. Di ako snob noh!

"Eat well, Seulgi!" Sabi ng pinakahuling student na nagbigay sakin ng pagkain


Napabuntong hininga nalang ako at pumasok ng room. As usual pagkapasok ko at dahil madami akong pagkain ay dinumog ulit ako hanggang sa isang piraso ng sandwich at juice nalang ang natira sakin. Tayo naman sigurong lahat ay nakaexperience na ng ganitong scenario right? Yung may pagkain ka tas halos naging feeding program na dahil lahat ng kaklase mo ay panay hingi ng pagkain.

Hawak ang isang sandwich at juice ay umupo ako sa upuan ko. Kakainin ko na sana ang sandwich ng mahagip ng mata ko ang natutulog na Irene. Lakas loob naman akong lumapit sa kanya at dahan-dahan siyang inalog para gumising. Nagising naman siya at humikab pa.


Cute.

Napatingin naman siya sakin kaya nginitian ko siya. Inirapan naman niya lang ako at matutulog sana ulit pero pinigilan ko na siya.


"Kanina ka pa natutulog. Kain ka muna." Sabi ko at inabot sa kanya ang sandwich at juice


Tinignan niya lang ito.

"Di ako gutom-----"


/GROWL/

Di na niya natapos ang sasabihin niya dahil sa tiyan niya. Nakita ko naman ang pagpula ng mukha niya at pagtungo niya. Napachuckle nalang ako nilagay sa desk niya ang sandwich ko.


"You can have it." Sabi ko


Tinignan naman niya ako at kinuha na rin ang sandwich ko. Napangiti naman ako dahil di siya tumanggi sa inalok ko sa kanya. Pagkagat niya ay lalo akong napangiti. Nakatitig lang ako sa kanya ng biglang sumama ang mukha niya.

"Hey? Okay ka lang?" Nag-aala kong tanong sa kanya

Sinamaan naman niya ako ng tingin at parang nasusuka. Nagulat ako ng bihla niya nilabas ang sandwich na nginuya niya ay tinapon ito sa basurahan.


"Anong problema? Ayaw mo ba sa sandwich? Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya

Sinamaan niya ulit ako ng tingin.

"Paano ako magiging okay kung ang inalok mo na sandwich eh panis?!" Sigaw niya

What the? Panis?!

Agad ko naman kinuha ang sandwich at kumagat. Di naman panis ah?

"Hmm? Di naman panis eh." Sabi ko habang nginunguya ang sandwich


Lalo naman sumama ang tingin at ekspresyon niya.

"Don't talk when your mouth is full! Tsaka panis nga yan!" Sigaw niya at lumabas ng classroom

Naiwan naman ako sa loob ng classroom at naguguluhan. Okay naman tong sandwich eh. Napailing nalang ako at kumagat ulit hanggang sa maubos ko ang sandwich. Saktong paglunok ko ng sandwich ay nagbell. Umupo na ako sa sa upuan ko.


Tahimik lang ako sa upuan ko ng biglang......


Tngna ang sakit ng tiyan ko!

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now