Chapter 28

4K 128 29
                                    

Short ud lang toh.

Seulgi's POV

Mag aalasais pa lang ay handa na akong pumasok. Mas maaga, mas mabuti. Kahit inaantok pa ako ay pinilit ko ang sarili ko na umalis.

Papikit-pikit at pahikab-hikab akong lumabas ng gate namin. Tumayo muna ako sa labas ng gate at pumikit. Inaantok pa ako huhu...

Umiling ako at sinampal ang sarili ko. Wake up self!

Minulat ko ang mata ko at halos mapatalon ako ng nakita ko si Irene na nakaupo sa gilid ng gate namin. Nakapikit ito at natutulog. Lumapit naman ako sa kanya at yumuko para tignan siya. Kanina pa ba siya?

Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanya. Di ko na siya ginising pa at naglakad na. Sure akong malelate siya pero wala akong pake.

At tama nga ako, late nga siya.

---------------------------------------

Next morning.....

Tulad kahapon ay pinilit ko ulit ang sarili ko na pumasok ng maaga. Papikit-pikit akong naglakad papuntang gate namin at dahan-dahan binuksan ang gate. Lalabas na sana ako ng biglang sumalubong sakin si Irene na nakasandal sa gilid ng gate namin at natutulog. Ba't nanaman siya nandito?

Gaya kahapon ay nilagpasan ko lang siya at di ginising. At gaya nga kahapon, nalate siya.

---------------------------------------

Next morning....

Gaya ng nakasanayan ko na ay maaga ulit akong gumising at umalis ng bahay. Nasa may gate na ako pero nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko na ba o hindi. Baka nasa labas ulit si Irene psh.

Di ko nalang inisip yun at binuksan ang gate. Ineexpect ko na isang natutulog na Irene ulit ang makikita ko pero nagkamali ako. Isang fresh na fresh at mabangong Irene ang sumalubong sakin. Ang ganda niya. Kahit naman nagmomove on na ako ay di ko naman kayang e tanggi na sobrang ganda niya.

Dun ko lang narealize na nakatunganga na pala ako sa harap niya. Agad akong tumikhim at linagpasan siya. Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

/dug100x/

Fvck. Ba't ang lakas pa rin ng epekto mo sakin?

"Seulgi." Tawag niya sakin


Hinarap ko naman siya at tinaasan ng kilay. Napansin ko naman na napalunok siya at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Bakit.....bakit di mo na ako hinihintay tuwing umaga?" Tanong niya

Napatawa naman ako. Pekeng tawa.

"Ikaw? Hihintayin ko? Sino ka ba para hintayin ko tuwing umaga?" Walang emosyon kong sabi sa kanya

Ikaw lang naman ang bumasag ng puso ko.

Nakita ko naman na nasaktan siya sa sinabi ko at napabitaw sa kamay ko. Agad akong tumalikod at naglakad.

Mahirap na...baka yakapin kita at mag-sorry sayo.

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now