Chapter 34

3.8K 116 39
                                    


Irene's POV

Uwian na at nandito kaming magkakaibigan sa labas ng gate.

"Guys, una na muna kayo. May date pa kami ni Yerimie." Kinikilig na sabi ni Joy at hinalikan sa pisngi si Yeri

Tinignan naman namin sila na parang nandidiri.

"Edi umalis kayo! Di yung maghahalikan pa kayo sa harapan namin. Eww~" Nandidiring sabi ni Krystal

Inirapan naman siya ng dalawa at umalis na.

"Well, ako din pala. May family dinner kami. So bye?" Paalam ni Krystal at sumakay sa isang kotse


Napatingin naman ako kay Wendy na parang magpapaalam din.

"Oh hehe. May lakad din pala ako. So see ya around? Kkangseul, hatid mo na si Irene ha?" Nakangiting sabi ni Wendy

Tinignan naman ako ni Wendy at kumindat. Tumango nalang ako dahil nagets ko ang pinapahiwatig niya. Pero syempre....

"Wag na. May pupuntahan di-----"

"I can't. May lakad ako." Pagpuputol niya sa sasabihin ko

Napatingin naman kaming Wendy sa kanya. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Wendy at nilakihan ng mata si Seulgi. Tinaasan lang siya ng kilay ni Seulgi at umalis. Lumapit naman si Wendy sakin habang nakatingin pa rin sa paalis na Seulgi.

"Nag-away kayo?" Tanong ni Wendy

Napabuntong hininga nalang ako.

"Bumaliktad ang mundo, Wendy. Ako na ngayon ang naghahabol sa kanya." Sabi ko habang nakatingin kay Seulgi

Napataas naman ang kilay ko ng makita kong sumakay siya sa isang motor. Di lang ordinaryong motor kundi motorbike ni Baekhyun oppa.

----------------------------------------------------

Nandito kami sa isang amusement park. Nagkayayaan at Friday naman kaya wala kaming aalalahanin bukas. Pagabi na kaming nakarating at pagdating namin ay agad kaming sumakay ng kung ano-anong rides na makikita namin.


Ngayon ay nasa harap kami ng ferris wheel. By pair lang ang pwedeng sumakay sa isang cab and I'm hoping na si Seulgi ang makakasama ko.

"Okay so JoyRi, Kryber, and......kami ni Baekhyun oppa then Seulgi and Irene." Rinig kong sabi ni Wendy

Agad naman akong napatingin sa kanya at ganun din siya sakin. Kinindatan niya lang ako at nang-aasar na ngumiti. And yes guys, kasama si Baekhyun oppa. Sinama siya ni Seulgi pero okay lang kasi kami naman ni Seulgi ang magkasama hihi...

Yes! I'm so hap--------

"No. Di ako sasakay kapag di si Baekhyun oppa ang kasama ko." Biglang sabi ni Seulgi

Napatingin naman ako sa kanya, hoping na bawiin niya ang sinabi niya. Pero nung tumingin ako sa kanya ay seryoso siya.

"Why? Si Irene naman kasama mo eh." Nagtatakang tanong ni Wendy

May namumuo ng luha sa mata ko kaya napatungo ako para di nila mahalata. Ayoko rin marinig ang sasabihin na reason ni Seulgi dahil baka masaktan lang ako kaya nagsalita nauna na akong nagsalita.

"Okay lang. Tayo nalang Wend----"

"Takot ako sa matataas na lugar and I trust Baekhyun oppa than her." Sabi niya

With her words, I felt my heart broke into tiny pieces.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Next will be uhm....like....parang maiinis kayo kay Seulgi? Yeah. Hehe~ I hate Seulgi sa next chapter.

-Ms. Nobody

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now