Chapter 8

3.4K 133 23
                                    


Seulgi's POV

Sabado ngayon at nakahilata lang kami ni Wendy sa sala ng bahay.

"Ang boring." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan


Di ako sinagot ni Wendy kaya napatingin ako sa kanya. Tulog ang gaga. Tss.


Umakyat nalang ako sa kwarto ko at pumunta sa study table ko. Tinignan ko ang mga reminder ko at nakitang isa lang ang assignment ko at yun ay ang subject na pinakapaborito ko...................ang ptngnang MATH. Wooh! I lab dis subject! *insert sarcasm*


Tinatamad at ayaw ko man gawin pero wala akong choice dahil ipapasa toh sa monday at bored ako ngayon. After 30 mins yata ay natapos ko din. Napabuntong hininga ako at tumingin sa labas ng bintana. Alam niyo ba na katapat ng room ko ang room ni Irene? Hihihi parang sa mga drama lang yieee

Saktong pagtingin ko sa labas ng bintana ay bukas ang bintana ni Irene. At sobrang swerte ko yata dahil pagtingin ko ay kakaupo lang ni Irene sa study table niya na nasa may bintana lang kaya malaya ko siya natititigan.



Those eyes, lips, nose, her whole face. It's so perfect. Tao pa ba toh? Pinony tail naman niya ang buhok niya at eean ko pero parang nagslow motion ang paligid habang tinatali niya ang buhok niya. She's......perfect. Lord, ba't may anghel akong nakikita? Mamamatay na ba ako?

Di ko namalayan na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya at parang tanga na nakangiti habang nakatitig sa kanya. Mukha naramdaman niya ang titig ko dahil napating siya sakin. Agad ko naman siyang kinawayan at nginitian. Iniwas niya lang ang tingin niya sakin. Wew! That's new. Kapag ganito kasing nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya dito sa bintana ay iniirapan niya ako o di kaya isasara niya ang bintana.

"Crush, anong ginagawa mo?" Tanong ko

Di ko na kelangan sumigaw dahil di naman masyadong malayo ang bintana niya. Actually pwede nga akong tumawid sa kwarto niya eh.

"None of your business." Sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa niya

Nagpout lang ako at umupo sa may bintana ko.

"Crush, bored ako. Usap tayo please?" Tanong ko sa kanya at nagpuppy eyes


Binagsak naman niya ang ballpen na gamit niya at inirapan ako.

"Pwede bang tumahimik ka? Kauspin mo sarili mo para mag mukha baliw. Oh wait, baliw ka na nga pala." Inis niyang sabi


Imbes na masaktan ay nginitian ko lang siya.

"Matagal na akong baliw, crush. Simula nung nakilala kita, nabaliw na ako sayo." Sabi ko at kinindatan siya

Blanko lang siyang nakatingin sakin at sinara ang bintana niya.

Hala? Crush naman ih!

Hey, Crush? | k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon