Chapter 20

3.8K 142 34
                                    

Short and last ud for this mornight. Mornight everyone! Tulog na kayo! God Bless!

Seulgi's POV

Ang bigat ng pakiramdam ko. Ugh.



Pilit akong bumangon at tinignan ang oras. Alas 1 na pala ng hapon. Di nalang siguro ako papasok kesa mag half day ako. Nagugutom ako pero wala akong ganang kumain. Aish....


Matutulog nalang ulit ako.

-------------------------------------------

/DING DONG/


Aish. Istorbo sa tulog!

Chineck ko ang oras at nakitang 5 na ng hapon. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko.

/DING DONG/

Aish! Pero baka sila Papa na yan. Ngayon yung uwi nila eh.



Kahit wala akong lakas tumayo ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na tumayo hanggang sa nasa tapat na ako ng pinto. Napasandal muna ako sa pinto at huminga ng malalim. Ugh

/DING DONG/

Aish!

"Oo na! Wait lang!" Sigaw ko


First time ko yatang magsalita ngayong araw. Ngayon ko kang din napansin na paos ako. Binuksan ko ang pinto habang nakapikit ang mata.


"Ano yun?" Tanong ko


Di naman sumagot ang tao kaya pilit kong minulat ang mata ko. Halos sumabog naman ang puso ko at lumuwa ang mata ko ng makita si Irene.

"I-irene," Tawag ko sa kanya

Ba't siya nandito? Nandito ba siya para sakin? Ay wait, ayokong mag-assume tulad noon kasi sure akong masasaktan lang ako. Si Wendy ang pinunta niya for sure.

"I-irene, wala na si Wendy dito. Hinatid natin siya kahapon sa bahay nila, remember?" Mahina kong sabi sa kanya habang papikit-pikit ang mata


Kahit pagpikit di ko kaya~ Nakakapit nga ako sa pintuan namin ngayon dahil sa panlalambot ng tuhod ko at anytime baka bumagsak ako.

Tinignan ko ulit si Irene ng di siya sumagot.


"Irene, wala si Wendy dito. Umuwi ka----"








"I'm here for you, not for Wendy. Nag-aalala ako sayo."

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now