Chapter 17

3.6K 141 63
                                    

Seulgi's POV

Pabalik ako ng classroom ngayon galing infirmary. Pinagamot ko kasi ang kamay ko na napaso. Pagkapasok ko ng classroom ay agad akong umupo sa upuan ko. Alam niyo ba na katabi ko lang si Irene? Now you know.


Napahikab ako habang nakikinig kay Sir. Nakita ko naman na umalis muna si Sir kaya agad akong dumuko para matulog. Inaantok talaga ako bahala ka diyan Sir!


Naalimpungatan naman ako ng maramdaman kong may umaalog sakin. Di ko nalang ito pinansin at natulog ulit. Pero sa oangalawang pagkakataon ay naalimpungatan ulit ako dahil may naramdaman akong kamay na humawak ng kamay ko. Pinaginterlock ko naman ang kamay namin at natulog ulit.


"MS. KANG!"

Nagising naman ako sa sumigaw ng surname ko at napaupo ng maayos. Pagtingin ko sa harapan ay nakatingin ng masama ang teacher namin. Nagpeace sign lang ako at tinuon ang pansin ko sa board. Kukunin ko sana ang ballpen ko para magtake notes ng marealize ko na may hawak akong kamay. Napatingin naman ako kay Irene na seryosong nakikinig. Naramdaman niya yata na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sakin at tinaasan niya naman ako ng kilay.


Di ako nagsalita at dahan-dahan na binitawan ang kamay ni Irene kahit di ko pa gusto. Kukunin ko na sana ang ballpen ko at magsisimula ng magsulat ng biglang hawakan ni Irene ang kamay ko.


"Sasakit lalo yang kamay mo. Papakopyahin nalang kita ng notes ko mamaya." Sabi niya


Tumango nalang ako at bumulong ng 'Thank you' na mukhang narinig naman niya. Ewan ko pero parang may bara sa lalamunan ko. Nakatingin lang ako sa kamay ni Irene na nakapatong sa kamay ko. Aalisin ko na sana ang kamay ko ng bigla niya itong hawakan ng mahigpit at ininterlock sa kamay ko. Nabigla naman ako sa ginawa niya lalo na ng nilagay niya sa coat ko ang kamay namin.

"I-irene----"



"Nilalamig kamay ko. Hawakan mo muna."

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now