Chapter 27

4K 137 25
                                    

1 week later.....

Seulgi's POV

Sa loob ng isang linggo ay puro iwas lang ako kay Irene. Di ko na rin siya inaabangan tuwing umaga sa labas ng gate nila. Tuwing class hours naman ay di kami nagpapansin kahit magkatabi lang kami. Di din naman niya ako kinakausap kaya mas napapadali ang pag-momove on ko. Tsala sino naman amo para pansinin niya diba?


Pansin ko din na palaging magkasama sila Irene at Wendy baka sila na nga. I'm happy for them...

Nandito kami ngayon sa classroom dahil nag gegeneral cleaning kami. Sobrang ingay ng mga kaklase ko lalo na sila Yeri at Joy, sama mo na rin si Wendy. Kung nasa mood at okay lang sana ako ngayon ay baka ako ang pinakamaingay ngayon pero wala eh, nabasag puso ko. Binasag ng katabi ko ngayon. Sa loob ng isang linggo ay laging nasa tabi ko si Krystal. Kung wala lang talaga sigurong Amber sa buhay ni Krystal baka siya yung nagustuhan koXD

"Seul, Irene, dun muna kayo oh. Di pa nalilinis ang part na yun." Sabi ng isang kaklase namin



Napatingin naman ako sa tinuro ng kaklase namin. Di na ako nagsalita at pumunta sa sinabi ng kaklase namin. Naramdaman ko naman na sumunod si Irene sakin. Taga walis kasi ako habang si Irene ang taga lagay ng floorwax. Nagsimula na akong magwalis habang si Irene naman ay hinihintay akong matapos.

Nang matapos ako ay umupo muna ako sa sa isang upuan at minasdan ang ginagawa ni Irene. Seryoso lang siyang naglalagay ng floorwax ng bigla siyang nadulas sa floorwax. Mabilis ko naman siyang sinalo pero sa kasamaang palad ay pati ako nadulas kaya pareho kaming napahiga sasahig. Buti nalang ako ang nasa ilalim kasi kung siya yun ay sigurado akong masasaktan siya.


Nakapikit lang siya habang nakapatong sakin.

"I-irene." Tawag ko sa kanya


Napamulat naman siya kaya nagtama ang mga mata namin. I just realized na sobrang lapit ng mukha namin. I can freely stare at her beauty. Ang pilik mata niya, ang mata niya na katulad ng mga mata ng isang bunny, ang matangos niyang ilong, at ang pinakahuli ay ang mapupula niya labi. Ang labi niya na parang inaakit ka kapag nakatingin ka.


Naramdaman ko na unti-unting nilalapit ni Irene ang mukha niya sakin habang nakapikit. Pipikit na rin sana ako ng bigla kong maalala ang paghalik niya kay Wendy. Minulat ko ulit ang mata ko at tumayo. Mukhang nagulat naman si Irene sa ginawa ko. Tinitigan ko lang siya pababa sa mapupula niyang labi.


Umayos ka, Seul. Huwag kang papadala sa labing yan. Ang mga labing bumasag ng puso mo nung lumapat siya sa labing hindi sayo.

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now