Chapter 16

3.6K 137 27
                                    


Seulgi's POV

"Soojung, bilisan mo!" Sigaw ko sa labas ng bahay nila

Ewan ko sa kanya! Habang naghihintay ako sa labas ng bahay nila Irene bigla nalang akong tinawagan dahil gusto niyang puntahan ko siya. Dahil sa kanya di ko pa nakikita si crush.

Napatingin naman ako kay Krystal ng makita ko siyang nakangiti at kakalabas lang sa bahay nila. Agad siyang kumapit sa braso ko.

"Ano ba kasi kelangan mo? Di ko tuloy nakita si Crush." Nakabusangot kong tanong sa kanya

Kinurot naman niya ang ilong ko at nang-gigigil na nginitian ako.

"Wala, namiss ko lang na sunduin mo ko. Tsaka gusto kong kwentuhan mo ko tungkol sa inyo ni Irene at kwento ko rin sayo yung tungkol samin ni Amber." Excited niyang sabi

Naexcite naman ako lalo na nung nabanggit niya ang pangalan ni Irene. Masaya kong kinwento sa kanya ang mga nangyari samin ni Irene habang naglalakad kami papuntang school. Panay kwento din siya tungkol sa kanila ni Amber. And you know what? Kaya pala masaya ang gaga kasi sila na pala.

Pagdating namin sa school ay agad kong hinila papuntang vending machine si Krystal. Bumili ako ng dalawang hot choco.

"Oh, congrats sa inyo ni Amber." Nakangiti kong sabi at binigay sa kanya ang isang hot choco

Nagpasalamat naman siya at aalis na sana kami ng bigla kong naalala si Irene.

"Wait lang! Bibili pa ako ng isa para kay Irene." Nakangiti kong sabi kay Krystal

Pagkatapos kong kunin ang isa ang hot choco ay dumiretso na kami sa classroom. Pagpasok namin ay agad nagpaalam si Krystal na pupunta siya kila Amber. Nginitian ko lang siya at tumango. Napatingin naman ako sa gawi nila Irene. Nakita kong palinga-linga sa classroom si Irene. May hinhanap ba siya? Tumingin ako sa paligid at nakitang wala si Wendy. Kaya pala.

Di ko nalang inisip yun at lumaoit sa kanya. Nakatalikod siya sakin kaya di niya ako nakita.

"Ako ba ang hinahanap mo, Crush?" Tanong ko sa kanya

Mukhang nagulat naman siya at nasiko niya ang kamay ko kaya natapon sa kamay ko.

Damn.....it.....ang....sakit.


"AAA......ARAAY!" Daing ko at hinihipan ang kamay ko


Nakita ko naman na nagulat si Irene at nataranta. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at tinignan ito ng mabuti. Hinihipan niya rin ang kamay ko at paulit-ulit na nagsosorry.

"Seul, okay ka lang?" Tanong ni Krystal ng makalapit siya samin



"Okay lang ako." Sabi ko at nginitian siya


Nagulat naman ako ng padabog nana binitiwan ni Irene ang kamay ko kaya tumama ito sa upuan. PUTANG-----


"Aray!" Daing ko ulit

Hinawakan ko naman ang kamay ko at tinignan ito. My poor hand :(


Nakapout ko naman na tinignan si Irene pero inirapan niya lang ako.



"Serves you right."

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now