Chapter 30

4K 140 35
                                    


Seulgi's POV

Nandito ako sa backyard namin. Nakatingin sa langit na puno ng bituin. Isa sa nga pangarap ko ang magstar gazing kasama ang mahal ko, kasama si Irene, siya yung mahal ko eh. Pero mukhang di na yata mangyayari yun.

Ang gulo din ng babaeng yun. Palagi akong sinasaktan. Una, sinasaktan niya ako kapag kasama niya si Wendy. Lalo na yung hinalikan niya si Wendy. Pangalawa, pinaada niya ako sa mga sweet gestures niya. Minsan mabait, caring, at sweet siya sakin. Minsan naman napakasnob, masungit, at harsh siya sakin.  Pero kahit ganun, mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal.

Kahit iwasan ko siya, ganun pa rin. Mas pinipili pa rin ng puso ko ang mahalin siya at masaktan.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at aalis na sana ng may asong lumapit sakin.


"Gom?" Tawag ko sa aso


Mukhang naintindihan naman niya at tumahol na parang sumasagot sakin. Ba't nandito ang aso ni Irene?


Umupo ulit ako sa damuhan at hinawakan siya. Ewan ko pero first time na di ako natakot sa isang aso.

"Ba't nandito ka? Hmm?" Tanong ko sa kanya kahit alam kong di naman toh sasagot. Takot ko lang kung sumagot toh sakin noh.


Tumahol naman ito at dinilaan ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Aso ka naman pero ba't Gom(bear) pangalan mo?" Parang bata kong tanong sa kanya


Tumahol naman ulit ito.

"Buti ka pa sumasagot ng sakin eh yung amo mo? Snob." Sabi ko sa kanya

"Nandito ka siguro kasi inaway ka ng amo mo noh? Don't worry, mahal ka nun. Sinabi niya sakin. Swerte mo nga eh kasi ikaw mahal niya samantalang ako hindi." Parang bata kong sabi sa kanya

"Ang cute mo pala?" Nakangiti kong sabi at niyakap ang aso


"Parang ikaw."


Nagulat naman ako at napatitig sa aso. N-nagsalita siya?


"G-gom? N-nagsalita k-ka?" Natatakot kong tanong sa kanya

May narinig naman akong tawa. Tngna.....


"T-tumawa k-ka?" Tanong ko ulit


"Stupid."

AAAAAAAAAAH!

Tatakbo na sana ako papasok ng bahay ng bigla akong mabangga sa isang katawan kaya natumba ako. Napatingala naman ako sa nabangga ko at nagulat ng makita ko si Irene.


"Irene.." Tawag ko sa kanya


Nakita ko naman na napairap siya.


"Dumb and stupid bear." Rinig kong sinabi niya


Napabusangot naman ako. Nagulat naman ako ng nilahad niya ang kamay niya. Kinuha ko naman ito at dahan-dahan tumayo ng bigla niya akong hinila kaya napayakap ako sa kanya.


/dug100x/


Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa gulat ba yan o dahil yakap ko si Irene ngayon?



/dug100x/


H-hindi.......hindi yan ang puso ko. Is it Irene's?


Kakalas na sana ako sa yakap at magsosorry ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.

/dug100x/


"I-irene," Tawag ko sa kanya


"Seulgi." Rinig kong tawag niya sakin

"H-hmm?" Tanong ko


"Nahuhulog na yung puso ko, pwede mo bang saluhin?"


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

More updates later.


-Ms. Nobody

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now