Chapter 23

4K 140 98
                                    


Seulgi's POV

Nakatitig lang ako sa kanya at ganun din siya sakin. Puno ng pagmamahal ang mata niya habang nakatingin siya sakin.

"I love you." Sabi niya

I smiled and cupped her face.

"I love you too." Sabi ko naman

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. May pagitan pa sana sa mga labi namin pero agad yun nawala dahil hinalikan niya ako. It was so--------

"HOY BATA KA! MAMAYA NA YANG POCKET BOOK MO! KAKAIN NA!"

Napabusangot nalang ako at nilagay sa may lamesa ang pocket book na binabasa ko. Mama naman eh! Ang ganda na ng scene!

Nakauwi na sila Papa kagabi at masaya ko syempre. Pero ngayon nasira yung mood ko! Aish!

Pagkapasok ko ng kusina ay nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna ako sa may backyard namin at dun nagpatuloy sa pagbabasa. Habang nagbabasa ay nagulat ako ng may lumitaw na aso sa harap ko. At dahil takot ako ay agad kong tinaas ang paa ko para di ako maabot ng aso.

"Gom!"

Napatingin naman ako sa sumigaw at nakita ko si Irene sa backyard nila. Basa ang white shirt at black shorts na suot niya habang ang buhok niya ay naka messy bun. May hawak siyang hose at may bula ng sabok sa pisngi at kamay niya.

She's so......cute.

"AH!" Sigaw ko ng biglang tumahol yung asong nasa harap ko

Tinignan ko ang asong nasa harap ko. Di ako mahilig sa mga aso pero alam kong golden retriever tong asong toh. Basa ang aso at may natitirang bula sa katawan niya. Naka labas lang ang dila nito habang nakatingin sakin.

"Gom!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si Irene na nasa tabi ko na pala. Lumapit siya sa aso at pinat ang ulo nito.

"Aso mo?" Tanong ko kay Irene

Tumango naman siya at tumayo. Dahan-dahan ko naman binaba ang paa ko at umupo ng maayos.

"Anong name niya?" Tanong ko

Umupo siya sa damuhan ng yard namin at niyakao ang aso habang naharap sakin.

"Gom." Simple niyang sabi at ngumiti habang nakatingin sa aso

Gom?

"Gom means bear, right?" Tanong ko

Tumango naman siya habang nakatuon pa rin sa aso ang mata niya.


"Why Gom? Aso naman yan at hindi oso." Natatawa kong sabi

Parang tumalon mula sa 50th floor nama ang puso ko ng tumawa siya at tumingin sakin.

"She reminds me of someone na related sa bear." Sabi niya at ngumiti


Fvck. Heart calm down! First time niya akong ngitian at tumawa sa harap ko! First time in history!

Napa-'ah' nalang ako at tumahimik na dahil baka maannoy siya sakin.

"She's kinda annoying sometimes. Palagi akong kinukulit, palaging nakabuntot sakin. Araw-araw binibwisit ako. Tuwing umaga siya unang bumubungad sakin na to the point na sawa na ako sa mukha niya. Kaya minsan nasusungitan ko siya. Pero nung minsan na hindi ko siya nakita sa umaga parang may kulang. Nung nagkasakit nga siya parang mababaliw ako sa pag-aalala." Bigla niyang sabi habang nakatingin sa aso ng may pagmamahal. Edi panalo na ang aso! Ako na hindi niya mahal ㅜ_ㅜ

Napatingin naman ako sa kanya at ganun din siya sakin. For the second time in history, nginitian niya ako.

"But despite of being annoyed by her, I can't deny the fact that I love her, that I fell in love with her."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yes guys. Ganun niya kamahal ang oso-- I mean aso niya. GANUN NIYA KAMAHAL ANG BEAR NIYA. WHOO!

-Ms. Nobody

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now