Chapter 21

3.8K 138 57
                                    


Seulgi's POV

"H-ha? Wag na. No need." Sabi ko at ngumiti sa kanya


Akala ko aalis na siya pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang noo ko.


"Ang init mo." Sabi niya at hinila ako papasok ng bahay


"Nandito ka kasi." Bulong ko pero mukhang narinig niya dahil sinamaan niya ako ng tingin

Napatungo nalang ako at sinundan siya.

"Saan kwarto mo?" Tanong niya pagkaakyat namin



Di ako sumagot at tinuro ang kwarto ko. Hinila niya ako papasok at pinahiga sa kama.


"Higa ka muna. Magluluto lang ako ng sopas." Sabi niya at kinumutan ako


Tumango lang ako at pumikit na may ngiti sa labi. Nang maramdaman ko na lumabas na siya ay mabilis kong kinuha ang phone at nagtweet.

Seulgom @Kkangseul • 1m

Inaalagaan ako ni Crush ngayon hihihi❤


Ibababa ko na sana ang phone ko ng biglang nay nagreply sa tweet ko.

Irene @baejh • 53s
Replying to @Kkangseul

Matulog ka na nga kundi uuwi ako.


Napalaki naman ang mata ko at agad tinago ang phone. Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti. Nakatitig lang ako sa ceiling hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

--------------------------------------------------

"Seulgi."


Naramdaman kong may kamay na nakahawak sa mukha ko.

"Seulgi, gising na~" Malambing na tawag niya sakin

Minulat ko naman ang mata ko. Nasa langit na yata ako. May anghel sa harap ko.

"Mmm~"

"Bangon ka muna diyan. May niluto akong sopas." Sabi niya

Bumangon naman ako at kukunin na sana ang sopas na hawak niya ng bigla niyang tinapat ang kutsara na may laman na sopas sa bibig ko.

"Ah." Sabi niya

Agad ko naman siyang sinunod. Pagkasubo niya ng sopas ay agad akong napangiti. Tahimik niya lang akong sinusubuan habang ako ay parang baliw na nakangiti. Kinikilig ako fxxk!!!!!


Pagkaubos ko ng sopas ay agad siyang tumayo. Lalabas na sana siya pero agad kong hinawakan ang kamay niya. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Di ko siya sinagot at kinuha ang bowl na dala niya at nilapag sa lamesa.

"Dito ka muna. Please?" Tanong ko sa kanya



Napabuntong hininga naman siya at umupo sa tabi ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatingin naman siya sa labas ng bintana.

"Thank you." Sabi ko

Napatingin namn siya sakin at tumango. Hinawakan niya ang noo ko at nakita kong napangiti siya.

"Di ka na mainit." Sabi niya

Hinawakan ko naman ang noo ko. Di na nga ako mainit. Tumingin ulit ako kay Irene.

"Can I hug you?" Tanong ko sa kanya


Napatingin naman siya sakin at umiling pero dahil ako si Kang Seulgi ay niyakap ko pa rin siya. Napapitlag naman siya sa ginawa ko.

"Sana palagi nalang akong may sakit para alagaan mo ko." Sabi ko


"So gusto mo kong mamatay dahil sa sobrang pag-aalala sayo?"

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now