Chapter 14

3.4K 120 10
                                    


Seulgi's POV

Mag aalasais pa lang ng umaga ay nasa tapat na ako ng bahay nila Irene. Si Wendy? Ayun tulog pa, di ko na ginising. Ganti ko na rin sa kanya dahik di niya ako ginising nung isang araw.

Kinusot ko ang mata ko at humikab. Inaantok pa ako~


Makakatulog na sana ako ng biglang tumunog ang gate nila Irene kaya agad akong napatayo. Pagtingin ko ay isang magandang babae ang bumungad sakin.

"Good morning, Crush!" Bati ko sa kanya


Tinignan niya lang ako at sumilip sa likod ko.


"Nasan si Wendy?" Tanong niya

"Ah, tulog pa." Sabi ko

"What the? Di mo ginising?! Paano kung malate yun?!" Sigaw niya sakin

Napapikit at napatungo lang ako. Kung di ko lang siya crush baka napitik ko a ang bunganga niya.

"Eh nung isang araw nga di niya ako ginising kaya malapit akong malate...." bulong ko


Mukhang di naman niya narinig at naglakad papasok sa bahay namin. Agad ko naman siyang pinigilan at sinabing ako nalang ang gigising kay Wendy. Pagkatapos kong gisingin si Wendy ay bumalik ako sa sala namin kung nasan si Irene.

"Maliligo na siya." Sabi ko at tumabi sa kanya

Gusto ko sanang gantihan si Wendy eh~ ㅜ_ㅜ

Humikab naman ako at pumikit. Matagal pa siguro yun! Pwede akong umidlip. Makakaidlip na sana ako ng muntik na akong mahulog mula sa sofa. Aish!


Napatingin naman ako kay Irene na nakaupo sa tabi ko. Busy siya sa phone niya at parang may nilalaro. Napatingin naman ako sa balikat niya. Hmm, try ko nga.


Dahan-dahan kong nilagay ang ulo ko sa balikat niya. Di siya nagreact kaya napangiti ako. Makakaidlip na ulit sana ako ng bigla niya akong siniko.

"Lumayo ka nga!" Inis niyang sa sabi sakin

Napapout naman ako at nilagay ulit ang ulo ko sa balikat niya. Sisikuhin ulit sana ako ni Irene pero niyakap ko siya kaya di niya magalawa ang kamay niya.

"H-hoy! Lumayo ka nga!" Inis niyang sabi sakin


Umiling lang ako at mas dumikit sa kanya. Di ko na narinig mga sinabi niya dahil tuluyan na akong nakatulog.

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now